‘Hindi pa huli ang lahat’ – Edwin Camerino, 58, ALS passer

(Noong nakaraang ika-22 ng Hulyo, ipinagdiwang ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) ang ika-66 na taon ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng pagkilala sa 23 mag-aaral na tagumpay na naipasa ang Accreditation and Equivalency Examination ng Department of Education (DepEd). Dalawampu’t dalawa sa kanila ay maaari nang mag-kolehiyo at ang isa ay handa na sa mataas na paaralan. Ang isa sa kanila ay ang 58-taong-gulang na si Edwin Camerino. Nagbigay siya ng mensahe sa nasabing “commencement exercise” at ito ang kanyang pahayag.)

 

Ako po si Edwin Camerino, taga-Imus, Cavite at kasalukuyang naninirahan sa P. Paredes Street, Sampaloc, Maynila, kapitbahay lang po ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI).

Ako po ay minsan nang naging overseas Filipino worker (OFW) sa bansang Saudi Arabia sa loob po ng walong taon bilang electrical technician. Umuwi po ako sa Pilipinas noong 1991 at nagkaroon ng maliit na negosyo ng pag-a-assemble ng stainless owner-type jeep sa loob po ng pitong taon.

edwin.jpg
Edwin Camerino habang nagsasalita sa 66th anibersary of KKFI. (Photos by Ernie Gagno/KKFI)

Taong 2002-2007, ako po naman ay naging “barangay captain” sa aming baranggay. Noong 2010 hanggang 2012 naman ay nabigyan ako ng aming meyor ng puwesto sa munisipyo ng Imus. Hinawakan ko ang isang departamento bilang head po ng Peace and Order Council at nabigyan din po ako ng isa sa pinakamataas na “item” sa munisipyo.

Sa kasamaang palad, hindi napunta sa akin ang mas mataas na posisyon dahil kulang ako sa educational background. “Second year high school” lang po ang natapos ko kaya hanggang Executive Assistant II lang ang naibigay sa akin.

Okey naman sana, kaya lang sayang di po ba?

Marami na pong pagkakataon ang nakalagpas dahil sa hindi ako nakapagtapos ng mataas na paaralan. Naisip ko na lubhang napakahalaga sa isang tao ang edukasyon. Nasabi ko sa aking sarili na kung ako ay nakatapos sana, siguro ay mas magagandang trabaho ang aking napasukan.

Hanggang nabalitaan ko po na ang Kapatiran ay nag-o-offer ng “Alternative Learning System” na nagbibigay ng pagkakataon sa mga out-of-school na gustong makapagtapos ng pag-aaral sa mataas na paaralan at gayundin sa elementarya.

Noong una po ay ang aking kasambahay ang aking kinumbinsi na mag-enroll dahil hindi raw po siya nakatapos ng “high school” dala ng kahirapan. Ngunit ang akin pong maybahay ang nagsabi sa akin na, “Bakit hindi n’yo subukan mag-enroll.” Sabay na raw kami. Ito na raw ang pagkakataon para ako ay makatapos ng high school.

Ngayon po ay narito ako sa inyong harapan upang ipagyabang na, “Ako po ay nakapagtapos na ng high school.”

Sa mga kabataan na narito ngayon, hindi kayo nagkamali sa inyong desisyon na magpatuloy ng inyong pag-aaral. Ito ay napakahalaga sa ating buhay, base sa aking sariling karanasan—Hindi hadlang ang edad o katayuan sa buhay upang matupad natin ang ating mga pangarap.

Gusto ko pong magpasalamat, una, sa ating mahal na Panginoon sa patuloy na pag-gabay sa akin, pangalawa, sa aking pamilya, sa walang sawang pagsuporta, at higit sa lahat, sa Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. na nagbigay sa akin ng pagkakataon upang makapag-aral muli. “Thank you” din po sa inyo Sir Vince (Eliver) sa tulong po ninyo.

Kung ipapahintulot po ni Lord, gusto ko pong mag-enroll sa college sa susunod na school year. Gusto ko pong subukan ang kursong “political science.” Alam ko po na hindi pa huli ang lahat para sa akin.

Sa aking mga kapwa ALS passers, “congratulation and may the good Lord bless us all!”

Maraming-maraming salamat po.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s