ANG NASIMULAN NG LIKHARAL

FB_IMG_1494578213164ni Joanna Marie Merced
 
Matapos ang dalawang taong pakikibahagi ko sa “LikhAral” ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI), dumating din ang pinakahihintay kong pagkakataon ngayong taon na ito.
 
Dati ay tagasaway lamang ako ng mga makukulit na batang kasali sa LikhAral. Bukod nga pala dito ay taga-ayos din ako ng mga kalat at tagabili ng pagkain ng mga mag-aaral at titser na nagutom matapos ang dalawang oras na sesyon. Ngunit ngayon taong ito, iba na ang level ko. Isa na ako sa mga guro ng LikhAral!
 
Nag-umpisa ito nang anyayahan ako ni Ate Christian Love D. Gagno na maging bahagi ng “Trainor’s Training” na ginanap sa Baguio City ilang buwan lamang ang nakakaraan. Nakasama ko doon sina Flora Mae Tatoy at Raquel Fabre, na pawang staff ng KKFI. Maraming iba pa ang nakasali sa nasabing pagsasanay at sila ay pawang nagmula sa mga local churches ng United Methodist Church (UMC).
 
“Tell the Good News” ang tema ng Vacation Church School (VCS) ngayong taon, at ito ay pinag-aralan namin sa loob ng tatlong araw. Ang mga participants ng training ang may responsableng ipahayag ang nasabing mensahe. Naitanong ko tuloy sa aking sarili: “Kaya ko ba?”
 
Ito at iba pang mga tanong ang naglaro sa aking utak. Siyempre pa, kinakabahan ako pero, ewan ko ba, may galak akong naramdaman sa aking puso. Totoong natutuwa ako sa karanasang aking pinagdaanan sa Baguio. Nakakilala ako ng mga gurong may kanya-kanyang katangian at kakayahan. May masungit at may mabait. Ngunit hindi ko naramdamang hadlang ang iba’t ibang pinagmulan dahil iisa lamang ang aming layunin—ang maipalaganap ang Mabuting Balita sa mga kabataang lalahok sa VCS, o ang KKFI version nito na LikhAral.
 
Nakakatuwang isipin na may iba’t ibang pamamaraan upang ipahayag ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan. Sa Baguio, nakita ko kung paanong pinagsama-sama ng Panginoon ang mga taong hindi magkakakilala upang magkaisa. Sadyang kahanga-hanga kung paano itinuturo ang pag-aaral ng mga kanta, ang paggawa ng mga bagay-bagay mula sa malikhaing kamay ng mga kalahok at ang paglalagay ng tamang aksyon sa mga liriko ng kanta.
Tinuruan kami kung paano magpatawad at humingi ng tawad sa mga taong nakasakit at nasaktan namin. Kung magagawa umano ito, masasabi mo na kung kaya mong magpalaganap ang salita ng Diyos.
 
Maaaring maiksi lamang ang tatlong araw sa ganoong klase ng pagsasanay pero ang mga aral na natutunan ko ay naipunla na sa aking puso at isipan. Siyempre, hindi natatapos sa Baguio ang aking pagkakatuto sapagkat ibinahagi namin nina Flor at Raquel ang aming mga natutunan sa mga kabataan mula sa Tondo, Manila North Cemetery at Bulacan. Ang isang guro ay patuloy na natututo habang siya ay nagtuturo.
 
Ang pinakamahalaga kong natutunan ay ang katotohanang Malaki ang impact ng tatlong araw na LikhAral sa buhay ng mga bata. Nakakagalak sa aking puso ang makita silang nagpupursigeng magawa ang iniatas sa kanilang gawain. Kay gandang tingnan na ginagamit nila ang kanilang malikhaing kamay, mga boses, mga kamay at paa sa pagsunod sa liriko at ritmo ng bawat kanta.
 
Wala ngang imposible sa Panginoon. Sino ang mag-aakala na 40 kabataan ng Tondo ang tatanggap sa leksyon ukol sa pag-ibig ng Diyos? Kaya’t ang epekto sa akin nito ay tagos sa aking pagkatao dahil nakakataba ng puso ang kaalamang mahal ka ng mga kabataang-Tondo.
 
Alam kong naituro namin nang maayos ang mga dapat matutunan ng aming mga estudyante, na siya namang magtuturo sa mga batang lalahok sa limang araw na pag-aaral sa Tondo, Paredes, MNC at Bulacan. At hindi nga nila kami binigo dahil maayos nilang naisagawa ang LikhAral sa mga lugar na nabanggit.
 
Nakakapagdulot ng ligaya na maisalin sa mga estudyante ang mga leksyong aming natutunan sa Baguio. Kung minsan nga ay nananaginip ako na nagtuturo ako at nag-uunahang sumagot sa tanong ang aking mga mag-aaral, sumasali sa bawat palaro, gumuguhit gamit ang krayola at papel at nagbabasa ng mga assignment.
 
Alam naming hindi perpekto ang aming mga nagawa. Maaaring may kulang. Pero tiwala kaming naihayag namin ang kailangang iparating na tema na “Tell the Good News.” Nananampalataya ako na ang bawat batang nakilahok sa LikhAral—sa kanyang bawat pagkanta, pagkembot sa saliw ng awit, pag-memorya ng Bible verse at pagpapatotoo na mahal sila ng Diyos—ay nakapiling ang Panginoong Jesus sa mga panahong iyon.
 
Alam ko na hindi natatapos dito ang mga katuruang inihatid namin. Sa kapangyarihan ni Jesus, ito ay simula lamang.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s