KKFI WRITER’S WORKSHOP SET ON FEBRUARY 16-17 AT GILEAD CENTER

Magkakaroon ng writing workshop ang Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) sa Pebrero 16-17, 2018 sa Gilead Center sa Pulilan, Bulacan.

Ang nasabing writeshop ay lalahukan ng mga staff members, volunteers at mga iskolar ng KKFI.

Si Fort Nicolas, isang dating mamamahayag, ang siyang magbibigay ng mga lektyur at mangunguna sa mga workshop ng mga kalahok.

Nilalayon ng writeshop na masanag ang mga kalahok na maging bihasa sa pagsusulat ng mga blog at report, kabilang ang annual report at mga ulat tungkol sa iba’t ibang aktibidad ng KKFI.

Ayon kay Pastor Maricel Osias, excited siyang matutong magsulat. Sinabi niya na Malaki ang maitutulong ng nasabing kakayahan sa kanyang paggawa ng sermon.

“Writing is the painting of voice,” aniya.

27993967_10214097346160905_1124327436_n
Isa sa mga itunuro sa writeshop ay ang mindmapping para maisaayos at at maorganisa ang mga ideya.

 

Bago pa man ang writeshop ay dumalo ang mga kalahok sa mga lektyur ukol sa “Three-Step Writing Process” na ginanap noong nakaraang Enero 29, Pebrero 5 at Pebrero 12.

Ang “three-step process” ay binubuo ng brainstorming, paglalagay ng mga ideyang na-brainstorm sa papel o computer, at pagkikinis ng mga ideyang nabanggit. MindMap, free-flow writing at slow writing ang mga ginagamit na technique sa mga hakbang na ito, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Layunin din ng writeshop na maging bihasa ang mga kalahok sa pagdo-dokumento ng iba’t ibang kwento ng mga taong benepisyaryo ng KKFI pati na ang mga istorya ng tagumpay nila.

Ayon naman kay Joharra Rafanan,  community development worker ng KKFI, nais niyang maging epektibong manunulat.

“Ayokong maging redundant ang aking pagsusulat,” aniya. “Importante na organisado ang mga ideya ng aking mga report.”

 

Advertisements