Ang Buhay ay Tila Teatro Rin

Ni Sarah Mae C. Cleto

 

May Theatre Workshop na idinaos ang Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) sa pakikipagtulungan ng Angel C. Palanca Peace Program Foundation, Inc.  (ACP3FI). Ang tatlong araw na workshop ay ginanap noong 23-25 ng Mayo 2018 sa Multi-Purpose Hall sa loob ng KKFI compound sa P. Paredes Street, Sampaloc, Manila.

Ito ay dinaluhan ng Alternative Learning System (ALS) learners at mga staff member ng Program Department ng Foundation at pinangunahan nina Ms. Thess Limpin at Sir Marco Gutang ng ACP3FI.

Ang workshop ay may temang, “Peace In The Eyes Of The Youth.”

Sa workshop na ito ay mas nahubog pa ang aking talento pagdating sa pag-arte o sa pagtiteatro. Nalaman ko rito ang “eight basic elements of artistic expression.” Naranasan ko mag-isip at makipagbatuhan ng linya sa loob ng segundo lamang.

Natutunan ko rin dito ang ilan sa “basic ballet steps” at lumikha ng “basic dance steps” sa saliw ng musika o tugtugin.  Napag-aralan ko ring gamitin ang musika sa paggawa ng “scenario” sa isang drama sa tulong ng aking mga kagrupo.

Sa pamamagitan ng workshop na ito ay nalaman ko ang kaibahan ng pag-arte sa telebisyon at pag-arte sa entablado. Ang pag-arte sa telibisyon ay maliliit o limitado lamang ang iyong paggalaw, hindi tulad ng pag-arte sa entablado na malalaki at malaya kang makaka-explore ng buong entablado. Ngunit kailangang maging sensitibo ka sa mga kasamahan at sa paggalaw mo.

Kailangan mong i-apply dito ang “eight basic elements of artistic expression,” “components of drama” at iwasan ang paggawa ng mga bagay na hindi naman kailangan sa pagtatanghal.

Pagdating din sa teatro ay mas mahalaga ang  kilos kaysa boses. Mahalaga rin ang kaalaman tungkol sa kahalagahan, gamit at paggamit ng “mime” sa pag-arte. Higit sa lahat ay naranasan kong umarte o ipakita ang aking “character” na ginagampanan na wala akong sinasabing mga salita kundi sa pamamagitan lamang ng aking “facial expression” at “body language.”

Sa workshop na ito ay marami akong naranasan, nalaman, natutunan at napagtanto sa aking sarili at sa aking buhay. Na-realize kong hindi lamang sa drama magagamit ang motto sa teatro na “Show Don’t Tell.” Bagkus, ito ay magagamit din sa reyalidad o sa tunay nating mga buhay, na kung saan ay hindi sapat ang mga mabubulaklak na salita at mga pangako lamang dahil mas hi-git na kailangan mong pagsumikapan, paghirapan at gawin ang lahat ng bagay na makakaya mo upang maisagawa o maabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay.

Para sa aking pananaw ay isa sa mga mahahalagang bagay o elemento ng ating buhay ang “conflict.” Naniniwala ako na hindi sapat na masasabi mong nag-succeed ka talaga sa isang bagay kung hindi mo mapagdadaanan, mapagtagumpayan at magagawan ng solusyon ang mga “conflict” sa iyong buhay.

Kaya kahit na gaano man kalaki ang iyong mga problema, gaano man kasakit na mapagsalitaan ka ng mga hindi magagandang salita, gaano man kasakit ang maliitin ng iba, lagi man nilang ibinaba ang iyong pagkatao’t dignidad, kahit na hindi nila nakikita ang iyong halaga’t pagsusumikap, kahit na mga mali mo lamang ang nakikita ng iba, at ilang beses ka mang matumba, mapilayan at madapa ay huwag kang sumuko.

Lagi mong tandaan na ang mga taong matagumpay na sa ngayon ay naranasan rin nila ang lahat ng iyan.

Kaya laban lang. Gawin mo itong tuntungan upang maipakita sa kanila na iba ka, na may pangarap ka, na magtatagumpay ka at higit sa lahat ay mahalaga ka.

Huwag mong kalimutang ang lahat ng “conflict” sa iyong buhay at sa teatro ang siyang nagbibigay ng kahulugan, kulay at kagandahan sa isang pangyayari o drama.

 

 

Advertisements

‘I Can See a Better Future Because KKFI Did Not Give Up on Me’

By Melanie Balateco

 

It’s almost five years since I first came to know about the Alternative Learning System (ALS) of the Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI).

I can still remember the person who recruited me then—Mr. Mark Duggan, an American Peace Corps volunteer of KKFI who was assigned at the Manila North Cemetery (MNC) at the time. At first, I did not take ALS seriously.

I merely attended the classes because my friends did. Besides, I got to enjoy free snacks every time. But as the days went by, I started to enjoy the many activities of ALS.

I remember being a part of the delegation that represented the youth in the United Nations contest. How can I forget how thrilled I was when we won second prize? I also became one of the representatives of our community in the National Congress Lobby Day. I had the chance to talk with people who supported the Anti-Bullying Act of the Philippines.

After three months of attending ALS, I took the Accreditation and Equivalency (A&E) examination and, to my surprise, I passed. I remember how happy I felt after realizing I did.  It was totally unexpected on my part.

Another surprise greeted me when I was told that since I passed the test, I have instantly become a KKFI scholar.  Kuya Vince Eliver, a KKFI staff, even accompanied me to Eulogio “Amang” Rodriquez Institute of Science and Technology (EARIST) to take my entrance exam. I also was able to hurdle that.

I was so nervous on my first day in EARIST. I had no idea what it was like to be a college student. After all, I only finished Grade 7 and attended ALS for just three months. “Suddenly, I am a college student?” I half-laughingly realized. “Life certainly is full of surprises!”

After months of going to school, I learned to fight my fears and to get along with other people. Slowly, I became confident and learned so many things that I feel could help me in my future job.

But nothing is easy in this world, I soon found out. On my second year of school, I was confronted with a serious problem. My family moved to Caloocan City.

Because of my studies, I was forced to stay in Manila with my brother. I made many sacrifices and I refused to let them go to waste by dropping out of college. I wanted to prove that I could finish my studies on my own and despite my family’s financial woes.

I tried to budget my monthly allowance so I could continue with my studies, but I reached a breaking point. The money problem was too much to bear. I decided to stop studying and got a job, instead.

But Kuya Vince had other ideas. He looked for me everywhere. He eventually located me and convinced me to go back to school. Kuya Vince made me realize the importance of education as my ticket out of the vicious cycle of poverty.

That day, I decided to let go of my pride. I went back to my family and continued my studies.

It was truly a blessing that the KKFI has continued to support me, not only financially but also emotionally and spiritually. I am very thankful to God because He gave me my KKFI family who are always there to guide and support me even though I failed them so many times. In spite of everything, they still believed in me.

There was a time when I gave everything up. I held my hands up and admitted to myself, my friends and even God that I do not have it in me to make it. For a Grade 7 drop-out living in a cemetery, I did not see myself finishing my studies. Not even in my dreams. But because of KKFI, today, I am now a graduate of BS Office Management. I am now a degree holder.

Even before finishing my studies, KKFI did not stop to helping me. They assigned me to KKFI admin office for summer job with daily allowances.

I am very thankful because they treated me as one of them. I did not feel being an outcast. They also taught me so many things that can help me grow.

I saw how they were dedicated and focused on their jobs. That’s why I am very thankful that I became part of KKFI family.

 

Nahirapan, Pero ‘Di Sumuko

Ni Zennie Balatico

 

Mga munting paslit

Subalit ubod nang kulit

Boses mo’y uubusin

Pasensya mo ay susubukin

Kakaiba itong LikhAral

Classroom namin ay ‘di tipikal

Sa gilid ng kalsada o kahit saan

Di namin alintana makapagturo lamang

Mayroong ‘di pagkakaunawaan

Aminadong kami ay nahirapan

Tinangka nang sumuko o bumitaw

Subalit pag-ibig ang nangibabaw

Mahirap! Oo!  Totoo!

Nakakapagod. Ito rin ang sigurado

Ngunit ito ay balewala

Sa yakap at ngiti lamang ng mga bata

Sa unang araw, kami ay masaya

Napakaraming bata ang nagpunta

Aminadong nataranta

Ngunit ‘di nagpatinag sa kaba.

Naging lubos ang aming kaligayahan

Nang sila ay aming maturuan

Ipinadama naming sila ay MAHALaga

Hindi lang kami guro kundi isa  sa kanila.

Sa pagtuturo hindi palaging masaya

Nang sumunod na araw, ramdam na namin ang irita

Sinubok ang aming pasensya

Ayaw na nilang matuto; nais lamang ay magsaya.

Sa ikatlong araw, gumawa kami ng paraan

Aming napag-usapang magsungit kung kinakailangan

Sila ay mananahimik saglit

Maya-maya’y maingay na ulit

Ikaapat na araw ay dumating na

Mga pangayari ay lumubha na

Hindi na sila natitinag o natatakot

Kahit na kami ay galit at nakasimangot

Itong huling araw ay medyo maayos na

Umikot kaming may dalang mga plaka

Sa awa ng Diyos lahat ay nakiisa

Nagtapos kaming maayos at maligaya.

Lahat ng pagod, inis at irita

Nawawala dahil sa yakap at pasasalamat nila

Kada araw, ito ang kanilang sinasabi at ginagawa

Dahilan ng kada araw, nagtatapos kami ng maginhawa.

Pagtatapos ng Kinder Students ng MNC

Ni Joanna Marie Z. Merced

 

Noong Marso 23, 2018 mayroong 19 na batang mag-aaral mula sa Manila North Cemetery (MNC) ang nag-move up mula sa kanilang pag-aaral. Labing siyam na mag-aaral na musmos ang kaisipan, may iba’t ibang katangian at pangarap.

Iisa ang pamayanang kinagisnan. Pare-pareho rin silang nag-aaral sa likod ng simbahan.

Sementeryo ang kanilang tirahan. Ang mga museleong gawa sa bato ang dingding ng kanilang tahanan at ang bubong na yero ng mga ito ang kanilang sinisulungan. Sa kanilang mga edad (apat hanggang anim na taon), sila’y mulat sa kahirapan.  Sila ay pumapasok araw-araw kahit malayo ang “eskwelahan” mula sa kanilang tirahan ‘wag lamang maiwan sa mga leksyon.

Hindi madali ang naranasan nila. Nagpapalit-palit ang mga guro at lugar, pati na ng mga kamag-aaral. Akala ko noong una ay isang buwan lang ang aking ilalagi para magturo sa MNC, ngunit ang isang buwan ay naging dalawa, naging tatlo at nagging sampu.

Bagama’t naging mahirap, naging masaya at makabuluhan naman ang pagiging guro ko. Sa  paggising ko pa lang sa umaga, iniisip ko na kung ano ang ipapakain ko sa aking mga estudyante.

Mula sa aking tahanan sa Tondo ay pupunta ako sa palengke ng Blumentritt at didiretso naman sa kapilya ng Sta.Mesa Heights kung saan nagaganap ang aming klase.  Ganito umiikot ang aking mundo araw-araw.

Nakita ko ang pag-unlad ng mga batang mag-aaral dito. Mula sa pagkilala ng alpabeto hanggang sa pagkatuto ng mga bilang. Napalaking kasiyahan sa guro ang makita ang ganitong pagprogreso ng mga bata.

Isipin n’yo na lang kung nakikita kong nagsisimula na silang magsulat at magbasa, at kumilala ng mga kulay.

Marami pa ang nangyari sa loob ng apat na sulok ng aming silid aralan. May iyakan ng mga batang inaaway ng mga kaklase dahil inagawan ng lapis o papel na inilabas mula sa kanyang bag. May nahulog sa kanyang upuan dahil hinugot ito ng kanyang kaklase habang siya ay nakaupo at batang bigla na lang sinumpong dahil hindi napagbigyan sa kanyang gusto.

Pero ang higit na nagpasaya sa aking puso ay mga salitang galing sa kanilang mga magulang na natuto ang kanilang mga anak. Natuto hindi lamang magsulat at magbasa, kundi natuto din ng kagandahang asal. Katulad na lamang ng paggamit ng mga magagalang na salita,  pagtulong sa kapwa mag-aaral at pagkakaroon ng kaibigan.

Napapatunayan kong maaaring mabago ang buhay ng mga  mag-aaral ng MNC, partikular ang 19  na nagtapos ng pag-aaral sa kindergarten ngayong taon. Hindi hadlang ang lugar na pinagmulan. Ang mahalaga ay patuloy silang mangarap hanggang matapos ng pag-aaral.

Natapos na nila ang unang hakbang sa kanilang pag-aaral. Mahaba-habang lakbayin pa ang kanilang tatahakin. Pero naniniwala ako na kaya nilang lagpasan ang mga ito. Bilang kanilang guro kasama sa dalangin ko na mas maging makabuluhan pa ang kanilang pag-aaral. Mas magustuhan pa nila ang bagong mga pangyayari na maaaring maganap sa kanilang buhay.

 

Sa LikhAral Nahubog ang Aking Pagkatao

Ni Axel Mendoza

 

Sa LikhAral ko natutunan kung paano tumayo sa sariling kong mga paa, kung paano humarap sa maraming tao at kung paano makisalimuha sa mga bata.

Dati ay sobra ang aking pagkamahiyain sa pagharap sa maraming tao. Pinagpapawisan ako ng malamig kapag ako ay humaharap sa kanila. Nanginginig ako sa takot kapag ako na ang tinawag ng aking guro.

Pero nagbago ang lahat nang ako ay nasali sa LikhAral at iba pang aktibidad ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI).

Ayon kay Brenadette Rojas, kapwa ko LikhAral teacher, “sa LikhAral nagsimula ang lahat sa amin,” tulad ng pagkakatuto sa mga bagay-bagay tulad ng pagmamahal sa Diyos na lumikha sa sanlibutan at ang magturo sa mga bata upang maibahagi sa kanila ang salita ng Diyos.

Nahahati sa dalawang salita ang “LikhAral”: “Likha,” tulad ng pag-likha ng Diyos sa mundong ginagalawan natin at “Aral,” na siyang ibig ng Diyos na gawin, lalo na ang pagtuklas ng kahulugan ng Kanyang Salita na nasa Banal na Kasulatan.

Nahubog ako ng LikhAral, na siyang nagturo sa akin kung paano tumayo sa sariling mga paa, kung paano humarap sa maraming tao at kung paano makisalimuha sa mga bata. Dito ako naturuan nang lubusan kung paano humarap sa mga kabataan nang walang takot na na-raramdaman at buong tiwalang matuturuan sila.

Ang LikhAral 2018 ay isa sa pinakamagandang nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon kong pamamalagi sa Kapatiran. Sa tema pa lang na “MAHALaga Ako,” ay nararamdaman ko na ang pagmamahal sa akin kahit ano pa man ang mga kata-ngiang meron ako.

Mahal Niya tayo dahil mahalaga tayo; kaya nga’t siguradong wala tayong talo.

Mula sa pagsasanay ng mga guro sa Gilead Center sa Pulilan, Bulacan hanggang sa mismong pagtuturo ng mga kabataan sa kani- kanilang komunidad ay talagang “smooth” ang implementasyon ng LikhAral.

Nakita ko sa mga kabataan ang kasiyahan na bihira ko lang makita sa kanila. Bumabalik sila hindi dahil sa pagkaing aming handa kundi gusto nilang magsaya at matuto kahit wala silang maisuot na maayos at kahit sira-sira ang kanilang pangyapak. Walang makakahadlang sa kanila sa pagdalo sa LikhAral.

Sobra ang aking kasayahan na naramdaman kahit ako ay napuyat at napagod sa paggawa ng aking ituturo sa mga kabataan. Lahat nito ay nawawala sa munti nilang pasasalamat at sa mahigpit nilang yakap. Hindi mo mapapansin kung sila man ay marumi o may sipon.  Niyayakap ko pa rin sila dahil kapag ginagawa nila ito ay nawawala ang pagod ko.

Dati ay hindi ko alam kung sino talaga ako at kung anong landas ang dapat kong tahakin. Dahil sa LikhAral, nasagot na ang mga tanong kong ito. Alam ko na kung saan ako pupunta at kung saan lulugar.

Kaya nga’t nasabi kong sa LikhAral, nahubog ang aking katauhan.

 

 

Ang Sarap ng Magturo sa mga Bata

Ni Ruffame Todoc

 

Marami ang nagsasabi na kursong edukasyon ang kunin ko sa kolehiyo dahil bagay umano sa akin ang magturo.

“Ayoko!” ang parati kong tugon. “Mahirap ‘yun” Alam kong hindi biro ang magturo lalo na sa nursery. Ngunit tila ba tinutulak ako ng sarili kong tadhana palapit sa pagtuturo.

Dumating ang buwan ng Abril, panahon ng “LikhAral,” ang bersyon ng “vacation church school” ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI). Gaganap na naman ako bilang isa sa mga “main teacher” ng “nursery class.”

Naobliga akong magturo sa mga batang may edad mula apat hanggang anim na taong gulang. Sobrang hirap bantayan at turuan ang mga may edad na ganito. Mahaba-habang pasensiya ang kailangan.

Totoong sobrang hirap pero sobrang sarap sa pakiramdam din pala! Ayos lang mapuyat sa kagagawa ng mga leksyon at iba pang gagamitin sa pagtuturo mapasaya lang ang mga tinuturuan.

Nakakalibang palang magturo kaya’t hindi ko namalayang napalapit na ako nang husto sa mga bata. Kahit mahirap gumising sa umaga dahil sa pagod, sakit ng ulo at kulang pa sa tulog, ngunit kapag naisip ko ang mga bata na naghihintay sa akin ay nakakaramdam ako ng kakaibang lakas at motibasyon upang buma-ngon.

Siguro nga ay nagiging inspirasyon sa akin ang mga bata. Maisip ko lang ang mga ngiting isinasalubong nila sa akin at ang pag-uunahan nilang mahawakan ang aking mga kamay ay sapat na upang tiisin ko ang malamig na buhos ng tubig sa umaga sa paliligo upang makarating agad sa lugar kung nasaan sila.

Akala ko noong una ay mahihirapan kaming mga magtuturo dahil dalawa lamang ang tutoong teacher na kasama namin. Subalit madali naming natutunang tumayo sa sari-ling paa at gumawa ng paraan upang makuha ang loob ng mga bata.

Napagtanto ko rin na kaya ko rin palang maging guro, na kaya ko ring magturo. Higit sa lahat, natuklasan kong masaya ako kasama ng mga bata.

Marami nang nagtulak sa akin na maging guro, ngunit dedma lamang ako. Pero may isang tao ang nagpaantig sa aking kalooban, si Eddrose, 6, na isa sa mga estudyante ko sa LikhAral. Heto ang aming pag-uusap noong “graduation day” ng LikhAral:

Eddrose: “Ate Fame, bukas ba ay magtuturo pa rin kayo?”

Ako: “Hindi na. Sa susunod na taon ulit. Kaya dapat ay lagi kang good girl, ha?”

Eddrose: “Sana ikaw na lang ang teacher ko sa school.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Nahalata kong malungkot siya kaya niyakap ko siya. Pagkatapos ng seremonya ay isa-isang lumapit sa akin ang iba kong estudyante. Nagtatanong sila kung kailan ako babalik. Gusto ko sanang sabihin na bukas na bukas rin ay babalik ako upang turuan sila. Pero alam kong hindi tutoo ‘yun kaya’t sinabi ko sa kanila ang tutoo.

Dahil sa LikhAral, naramdaman ko ang sarap magturo sa mga bata. Hindi ako mahihiyang isang araw ay sasabihin ko sa aking mga kaibigan na: “Binabawi ko na ang sinabi ko noon. Gusto ko palang magturo.”

 

Abigail: Transformed by Love

By Flora Mae T. Tatoy

 

Abigail Ambay, 19, is one of the scholars of Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) from Navotas City.

As an incoming 3rd year college BS in Entrepreneurship student, her volunteer work at KKFI is not in line with her educational background.

Last April 17-19, she joined the LikhAral Teachers Training, which was held at Gilead Center, an extension office of KKFI in Pulilan, Bulacan.

Naturally shy, Abigail did not talk much since she did not know anybody then. Gradually, however, she developed friendships among other participants and began to be more animated.

She shared her talents by participating actively during both the training and teaching material preparations. According to her, she admires the talents and skills of her co-participants and how they willingly shared them.

Abi.jpg
Abigail (center) poses with her students.

During the LikhAral implementation, Abigail admitted being terrified and uncomfortable talking in front of children. She was one of the teachers in the Paredes Street, Manila area. She said she was not confident enough to teach the lessons, saying she preferred to do paper works instead of teaching.

However, on the second day of the LikhAral training, her confidence grew. She was able to face the children to share the objectives and activities of the lessons.

“Dati, naartehan ako sa kanila” she said but she realized that there are too  many  unseen  and  unheard stories behind each character that she needed to understand.

She said the children would hug her after class ”kahit na malagkit sila” and she would always feel a certain, unexplainable happiness and contentment.

“Behind the smiles of children, I know that there are stories that I don’t know,” she said.

In the five days of LikhAral she came to know more about her students and co-teachers. According to her, these children were deprived of their basic needs and are seeking attention.

She said she is now willing to extend the love that the children long for.

“LikhAral is not just five days of feeding and teaching. It transformed these children and let them know that they are ‘MAHALaga’.  They are ‘loved’ and ‘worthy’,” Abigail said.

Somebody else was transformed by the LikhAral training–Abigail herself. After experiencing the joy of teaching underprivileged children, she plans to take up BS in Social Work after she graduates from her present college course.

Of course, she is looking forward to next year’s LikhAral and be with the children again. Why not? LikhAral made her feel that “lahat tayo ay MAHALaga!”