Beyond the Call of Duty

By Evelyn Tendero

 

When I retired on May 1, 2015, Tirso Estriba was one of the security guards of KKFI. At that time I learned that when he is not on duty, he tended the plants in front of the KKFI compound fronting P. Paredes Street.

When I visited KKFI in 2016 and July 2017 I learned from the staff that Tirso was already a permanent employee, working as a janitor-gardener with five working days and two days off. Now that I am back to KKFI to work with staff of the dormitory operations, I am sharing to the readers who is Tirso Estriba.

The following are the things I knew from him in our one-on-one conversation. He graduated with a nautical engineering course from Mindanao. He went to Manila after he finished his course to apply for job as a seaman, but failed to land a job for six months.

He was hired as a worker in a construction firm in South Korea when he was only 22 years old. Since he worked as a farmer while studying, he didn’t mind the hard work in South Korea. He learned welding skills and other related works in construction until he had a family of his own.

He worked in South Korea for 10 years but he overstayed with serious consequence–he was imprisoned for two months for staying without a visa. Thankfully, a Korean organization helped him get a lawyer who facilitated his return to the Philippines.

 

He and his wife Teresa have a 13-year-old daughter, Juliana, who was born in South Korea. They now live in Project 2, Quezon City.

When he learned that Ryan Mateo’s position as janitor-gardener was about to be vacated on May 2016, he applied for it even though the salary was lower than his job at the time. He was after his and his family’s security like SSS, Philhealth, Pagibig and other employee’s benefits.

He became a permanent employee on November 1, 2016 and was given the recognition as the Male Employee of the Year in 2017.

I observed that Tirso comes as early as 5:30 a.m. and starts his work way before the start of his working schedule, which is 7 a.m. He is the kind of person who always greets you with a smile in the morning, even as he was doing his job sweeping the grounds with his big broom. Oftentimes, I would see Tirso stop working at around 6 or 7 p.m.

Every time I make my rounds, I would often see Tirso perspiring and hard at work. At the same time, I could feel that he loves what he is doing. He obviously has a “green thumb” and he know how to make use of this gift.

Tirso claimed his joy comes from seeing the plants healthy and the flowers in bloom. He is approachable and he has no problem relating with his co-workers. He has not had any conflict with anybody.

Now, who can dispute the decision of the management to bestow upon him the prestige of being the 2017 Male Employee of the Year?

Advertisements

The Habit of Working Hard

By Evelyn Tendero

 

I met Anidel Villanueva in 2002, when she started working at Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) as a dormitory assistant (at the time, we called them “house mothers”). She was assigned in the Main Building and Annex I dorms. The KKFI dorms were exclusive for ladies then.

Anidel, or “Ani,” as she is fondly called was very industrious. As the dorm manager, I always wondered where she got all the energy to do all her daily tasks at that level.

Aside from her official job description, she even had the energy and enthusiasm to accommodate requests from her officemates to run their errands. She would even read the water sub-meter of the KKFI’s commercial spaces and the electric sub-meters of the dormitories.

I, myself, would ask her every now and then to deposit or withdraw from the bank, which was of good 15-minute walk from KKFI.

I always wondered where Ani learned her discipline of working beyond working hours. And she never charged any overtime pay for all those sacrifices! She must have acquired it somewhere.

That long-time question in my mind was answered during the Monday morning devotion of KKFI. Ani shared during her testimonial that 10 years before she got to work in KKFI, she worked in a number of Caltex gas stations in Southern Tagalog area. She said she was the cashier but she would also operate the gas pump and do the inventory of the station’s auto parts store.

She said it was normal for her to work beyond eight hours a day and even on holidays, when needed.

It has become apparent to me that it was inherent to Ani to be hard-working and to walk an extra mile all the time. In that sense, she was and is the ideal worker every employer dreams about.

Before becoming an employee of KKFI, Anidel became one of the scholars of the Foundation during the term of Mrs. Nellie Mercado as its executive director. That was in 1992. Ani graduated  with  a  degree of  Bachelor of Science in Business Administration, major in Banking and Finance from the Philippine School of Business Administration (PSBA).

She is the second of eight children  of  Mr.  and  Mrs. Alfredo Villanueva of Abra and Ilocos Sur, respectively. Her parents were members of the United Church of Christ in the Philippines, but Ani herself became an affiliate member of the United Methodist Church when she became a KKFI scholar.

The KKFI became part of Ani  and her family’s  existence,  almost literally. Her younger sister Mary Rose worked part-time as a cleaner in Annex II while her brother, Alfred, has been our janitor in Annex I and Annex II since 2012.

I retired from KKFI in 2015, but came back last November. During last year’s Christmas party, Ani was honored as the Female Employee of the Year.

I could not agree more.

 

Ganito ang Buhay-DA

Ni Rowena “Weng” Gaffud

 

Dati, ang tawag sa amin ay “dorm reliever.” Isang araw, nang narinig ito ni Ma’am Nellie Mercado, dating executive director at member ng Board of Trustees ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI), mas maganda aniyang pakinggan katawagang “dorm assistant” o DA.

Ngunit ano nga ba ang DA at ano ang mahalagang bahagi niya sa buhay ng KKFI?

Ang DA ay di lang simpleng tagatanggap ng mga nag-a-apply maging residente ng dormitory. Hindi lang din siya simpleng tagasingil ng bayad ng mga residente.

Ang DA ay isa ring ina, kapatid, janitress at, sa maraming pagkakataon, ay isa ring nurse.

Siya ay “ina” sa mga residenteng malayo sa kanilang mga magulang. Pinapagalitan din niya ang kanyang “mga anak” kung sila ay makukulit o nagkakalat.

Gabi-gabi niyang sinisilip ang mga kuwarto ng kanyang mga “anak” upang tiyaking nandyan na sila. Kung wala pa, tinetext niya sila at sinisita kung bakit gabi na’y wala pa sila.

Walang ipinagkaiba ang DA ng KKFI dorm sa mga tipikal na ina na kasalo ng kaniyang anak sa kasayahan at kalungkutan. Oo, laging kadamay ang DA lalo na sa kanilang kabiguan.

Naalala ko minsan, nakasalubong ko sa itaas ng overpass ng Morayta ang isang residente. Binati ko siya ngunit, sa aking pagkabigla ay naiyak siya. Hindi ko alam na kasasabi lamang sa kanyang hindi siya nakapasa sa kanyang medical board exam.

“Ate Weng, hindi na naman ako nakapasa,” sabi niya sa akin, sabay iyak. Niyakap ko siya, inalo at tinapik-tapik ang kanyang likod. Ramdam na ramdam ko ang kanyang kabiguan.

“Huwag mong masyadong dibdibin ‘yan,” sabi ko, “siguro ay hindi pa ‘yan para sa iyo. Mag-try ka uli at ipagpe-pray natin na ibigay na Niya ‘yan next time.”

‘Yun nga ang ginawa niya at ngayon ay certified doctor na siya. Nagte-text-text pa rin kami hanggang ngayon.

Ang DA ay nurse din. Kapag isa sa kanila ang nagkakasakit, nag-aalala kami nang husto.  Binibigyan namin sila ng gamot at kinukumusta maya’t maya. Kahit sa kalagitnaan ng gabi, kinakatok kami ng mga bata kung may dinadaing sila.

Dinadala namin sila sa ospital. Binabantayan namin sila hangga’t wala pang kamag-anak na lumuluwas. Nagpupuyat ang mga DA at pumapasok pa kinabukasan kahit puyat.

Di ko malilimutan noong minsang dinala ko ang isang dorm resident sa ospital nang magdugo ang ilong nito dahil sa high blood pressure.

Sa UST Hospital ko siya dinala. Nang napababa na ang kanyang BP ay nagdesisyon ito na lumipat sa Lourdes Hospital. Dali-dali akong tumawag ng taxi at nang nakalipat na ay hinintay ko pa ang kamag-anak niyang doktor.

Hindi ko ininda ang gutom at personal na gastos upang matiyak ko lamang na ligtas ang bata.

Ang DA ay isang ate, confidant, adviser, at hingahan ng sama ng loob. “Overwhelmed” kami sa mga bata na ipinagkatiwala nya ang kanyang pagkatao sa amin. Minsan ay may batang nagtanong sa akin: “Ate, bakit kaya walang nagkakagusto sa akin? Pangit ba ako?”

Ganoon pala sila katiwala sa DA.

Ang DA ay isa ring janitress. Tagaligpit kami ng mga kalat, taga-buhos sa toilet, tagawalis ng sahig.

Ang DA ay isang “supermom.” Hindi personal na buhay namin ang mahalaga sa amin kundi pati na rin ang kapakanan din ng aming mga batang pinaglilingkuran. Kahit nasa gitna kami ng date o day-off man ay nagtatrabaho pa rin kami. Tatawag ang mga bata sa cellphone namin upang manghiram ng susi o mag-inquire.

Kalungkutan namin ang kanilang kabiguan, ramdam namin ang bigat ng kanilang dinadala. Alam namin na ang simpleng pakikinig namin sa kanila ay nakagagaan na sa kanilang dinadala.

Kasiyahan din namin ang kanilang success. Proud na proud kami tuwing sila ay nakakapasa sa kanilang kurso o board examination.

Ito ang buhay namin bilang DA. Wala kaming kasawaang maglingkod sa mga bata sa dormitoryo. Para sa amin, ang pagiging DA ay di lang trabaho kundi isang ministry.

Ito ang aming mga kuwento.

 

Ang Silid-Aralan sa Likod ng Simbahan

Ni Joanna Marie Z. Merced

 

Paano kung ang iyong silid-aralan ay hindi ang isang tipikal na larawan ng isang classroom at matatagpuan lamang sa likod ng simbahan, papasok ka ba?

Alam ng lahat na ang eskwelahan ay ang pundasyon ng karunungan ng bawat mag-aaral. Nagsisilbi itong pangalawang tahanan kung saan itinuturo ang pagsusulat at pagbabasa.

Ito ang kwento ng mga mag-aaral ng Child Development Center ng Manila North Cemetery.

Ako si Joanna, naglilingkod sa Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI).  Ako ang itinalagang guro upang magturo sa mga batang nag-aaral sa may likod ng simbahan—isang malaking simbahan na may nakakubli palang eskwelahan.

Sa apat na sulok ng silid-aralan, may mga kwento ang bawat mag-aaral. Bilang guro, nakita ng aking mga mata ang buhay na mayroon ang mga batang mag-aaral. Mahihirap at mayroong simpleng pamumuhay. Sila ang mga batang may edad na apat hanggang anim na taong gulang. Labing-limang mag-aaral na naninirahan sa libingan ng mga patay.

Marami sa kanila ay may musmos pang kaisipan at sa sementeryo na sila namulat. Tama ang nabasa n’yo—sila ang mga batang nakatira sa loob ng sementeryo na kung saan ang mga museleo ng mga patay ang nagsilbing kanilang tahanan at bubong na kanilang masisilungan.

Doon, kasama nila ang kanilang mga nanay at tatay, mga kapatid, mga lolo at mga lola. Marami pa ang mga  kwentong nakakubli na hindi pa natin nalalaman.

Bilang guro sa aking mga mag-aaral, nasaksihan ko kung ano ba ang kakulangan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Bago ako pumasok ng eskwelahan, ako ang namamalengke ng mga pagkaing lulutuin para sa kanilang tanghalian, para mapunan ang isang beses sa isang araw nilang kailangan. Mapunan ang tiyang hindi nakakain ng agahan, mabusog ang sikmurang nalipasan na ng gutom dahil sa umagang nagdaan.

Nakakalungkot isipin pero iyon ang katotohanang hinarap  ko sa loob ng walong buwang pagtuturo ko sa mga batang mag-aaral sa likod ng simbahan. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit ang KKFI ay patuloy na tumutulong sa mga batang naninirahan sa loob ng sementeryo.

Ito ay patuloy na naghahangad ng pagbabago ng pamumuhay sa bawat mag-aaral. Ito ang nagsusumikap makaipon ng pondo at naghahanap ng mga donasyon upang patuloy na makapagbigay sa mga pamilyang nangangailangan.

Saksi ako sa pagsusumikap ng maraming mag-aaral upang makapasok sa eskwelahan kahit malayo ang kanilang tahanan. Kung walang pamasahe ay nilalakad nila ang mahabang daan patungo sa simbahan huwag lang maipag-iwanan sa mga leksyon.

Tuwang-tuwa ako kapag ang aking mga mag-aaral sa likod ng simbahan ay pumapasok araw-araw. Kahit sa maliit na apat na sulok ng aming silid-aralan, maririnig mo ang kanilang mga kwento sa maghapong nagdaan, ang kanilang malalakas na tawanan, mga nag-uunahang kamay na itinataas para makasagot sa aming talakayan.

Pilit naming iniraraos ang pag-aaral sa araw-araw upang mayroon silang matutunan. Wala sa laki ng gusali ng eskwelahan para ikaw ay may matutunan. Ang mahalaga ay ang pagsisipag at pagsusumikap ng bawat batang mag-aaral para, sa darating na panahon kapag siya ay tagumpay na, siya naman ang magkukwento kung paano niya napagtagumpayan ang mga pagsubok ng nakaraan.

Hindi mahalaga ang kapayakan ng maliit na silid-aralan sa likod ng simbahan. Sa mga handang magsumikap, ito ay simula ng magandang kinabukasan.

 

Mas Maaliwalas na Bukas ang Dulot ng YLEAD

ni Axel Mendoza

 

Matagal nang problema ng mga taga-Tondo ang droga. Tila hindi ito matapos-tapos at hindi mapigil-pigilan.

Doon sa Tondo, ito na ang almusal, tanghalian at hapunan ng mga kabataan. Okey lang ang hindi kumain sa buong maghapon basta “makatira” lamang.

Ibebenta nila ang lahat upang maka-“score” lamang, maging ito man  ay ari-arian o kahit ang sariling nilang anak, para sa mga may edad na.

Madaling ibenta ang droga sa Tondo. Kaya’t pinipili ng iba na ito ang ilako upang magkapera kaysa maghanap ng marangal na trabaho.

Ang isang programa ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) na may katawagang Youth Leadership, Education and Advocacy for Development (Y-LEAD) ay naglalayong mag-adbokasiya laban sa masamang epekto ng droga sa buhay ng mga tao, kabataan man o hindi na.

Nagbibigay ang mga kabilang sa programang Y-LEAD ng mga impormasyon sa mga kabataan man o mga magulang upang balaan sila sa pwedeng mangyari kung gagamit at magpapatuloy gumamit ng pinagbabawal na gamot.  Naglatag kami ng mga alternatibong gawain imbes gumamit ng pinagbabawal na gamot.

Nag-organize ang Y-LEAD sportsfest para sa mga kabataan. Dito ay naglaro ng basketball at volleyball ang mga kabataang dati’y nakikita lamang na sa mga kalsada at “tumitira” ng solvent.

Sa sportsfest ay natutunan nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at “teamwork.” Halata ang pagod sa kanilang kilos ngunit makikita rin sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na dati’y mailap sa kanila.

Bukod dito ay tinuruan din ang mga bata tungkol sa masamang idinudulot sa buhay ng paggamit ng bawal na gamot. Tinuruan din sila ng kagandahang-asal. Natutunan nila kung paano rumespeto sa mga nakakatanda at makisalimuha sa mga kapwa bata. Higit sa lahat, ipinakilala sa kanila si Jesus Christ.

Bago ito ay tinuruan ang mga kabataang lider ng disiplina at kung paano mapalago ang sariling mga kaalaman.

Alam naming maraming talento ang mga kabataan ng Tondo. Kailangan lamang nila ng tiwala at paggalang sa sarili upang lumabas ang kanilang pagiging malikhain.

Bago natapos ang proyekto ay nagkataong idinaos ang piyesta sa Tondo at dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga bata at kabataan ng Tondo na mag-perform upang mapanood ng lahat ang kanilang kakayahan.

May mga sumayaw, may mga kumanta, at may mga umarte sa pamamagitan ng teatro.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito mula sa proramang Y-LEAD ng KKFI ay maraming kabataan ng Tondo ang magkakaroon ng panibagong pagkakataong makaangat sa buhay imbes na malugmok sa bawal na droga.

 

KKFI Day-Center for Older Persons

By Pastor Maricel Monceda-Osias

 

According to a recent survey, the Philippine population is aging. It is projected that by the end of 2018, senior citizens (60 years old and above) would comprise 8.2% of the total population. This means that 8,013,059 Filipinos would have been considered senior citizens by year-end.

The pressure for the government and other related agencies is how to cater to the needs of the senior citizens in all aspects of their lives.

With this data, Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI), through the Pastoral Care Department (PCD) is responding to the call for the ministry to older people. We have organized the “Day Center for Older Persons” (Day-C) that regularly meets every Friday, from 9 a.m. to 12 noon. About 15-20 senior citizens from different churches around Metro Manila attend the meetings. Despite the travel distance and their physical condition, they are very diligent in attending the Friday meetings at KKFI.

The purpose of Day-C is simply to cater to the needs of the senior citizens, especially their emotional, psychological, physical, and spiritual needs. It is our response as Christians to the call of God to administer to these people by making them realize God’s loving presence in their midst as God said in Isaiah 46:4, “Even to your old age I am he, and to gray hair I will carry you. I have made and I will bear; I will carry and I will save.”

The program tries to nurture the seniors through the following activities:

  1. Disciple through Bible Study

It is our aim to minister to the spiritual aspect of the life of senior citizens through bible study. We call it “Disciple through Bible Study.” As we study the bible, we let the Word of God speak to them and through them.

  1. Care Group/Group Counseling

Care Group is done to make sure that everybody in the group, as they share their lives will be given care and will receive care from every member of the group.  It  is  here that they learn to value and listen to one another. As they share their lives they also share their struggles, fears–especially fear of death–anxiety, depression, frustrations, disappointments (either with their families or with fellow Day-C members), anger, aspirations, lamentations to God and so on. It is here where Group Counseling takes place to meet the psychological and emotional needs of the Day-C.

  1. Physical Exercise

Before we start each meeting, some members of the group lead the morning exercise with Zumba dance. We encourage them to give value to their physical health as they age. In fact, they have the “Health Consciousness Month” celebration every November. Tips to nurture their physical health are emphasized.

  1. Visitation and Outdoor Fellowship

To show that they care for one another, visitation to sick members of the group are often done. In addition, strengthening group relationship is done through outdoor fellowship. “Lakbay Aral” is also where they learn livelihood skills from different companies.

The Day Center for Older Persons is just one of the many ministries KKFI is doing to the last, the least, and the lost in the Philippine society. May God bless the institution in its aspirations for God’s glory.

 

Sa YLEAD, Hinuhubog ang mga Kabataang Leader

ni Allain Canlas

 

Ang pagiging isang “leader” ay isa sa mga bagay na aming natutunan kung papaano gampanan bilang isang kabataan. Ating alamin kung paano kami nahubog sa Youth Leadership Educate and Advocate for Development (YLEAD) bilang isang Kristiyano.

Ito ay inumpisahan ng aming dating Program Director ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) na si Sir Rex Dayao at ipinagpatuloy hanggang sa ngayon nila Sir Vince Eliver at Ma’am Love Gagno.

Kinabibilangan nito ang mga ALS student na katulad ko upang mabago. Kung ako ang tatanungin kung papaano ako nabago, ito ay dahil na rin sa aming mga “facilitators.”

Una ay si Sir Rex na siyang nagpamulat sa isang tulad ko na hindi imposibleng umangat at magtagumpay sa buhay. Ito ay dahil siya mismo ay dati lamang isang kabataan mula sa hirap at ngayo’y naabot ang mga pangarap.

Ikalawa ay si Ma’am Love na siyang nagturo hindi lamang sa akin kung hindi sa mga katulad ko na matutong magmahal at umibig sa kahit na sino mang kapwa mo tao, Kristiyano man o hindi.

Ikatlo ay si Sir Vince na siyang tumayo bilang isang ama na nagmamahal sa kaniyang mga anak.

Isa sa mga estudyante na kanilang naging iskolar ay si Margoh na nag-aaral bilang isang pulis. Nagangarap ako na maging tulad din niya balang araw.

Ang mga aktibidad na aming ginagawa sa Pulilan, Bulacan ay napakarami katulad ng “Spider Web,” paglusong sa putikan, paglusong sa fish pond at napakarami pang mga nakatutuwang mga gawain.

Kami ng mga kapwa ko mga ALS student ay unang nag-seminar upang mahubog maging leader. Dito ko natutunan na hindi pala imposibleng magtagumpay sa kahit na ano mang mga pagsubok basta’t sama-sama ang bawat isa.

Ang Gilead ay isang lugar na napakaganda dahil ang paligid ay payapa at ang mga tao ay mababait at marunong makisama. Tinuro nila sa amin ang disiplina at kung papaano mo makikilala ang iyong sarili bilang isang tao.

Ang mga lugar na aming kinabibilangan ay may kani-kaniyang mga proyekto. Ang mga halimbawa nito ay tulad sa Tondo, ginawa nila ang T.A.T.A.Y. project na layong maipakita kung sino ba talaga ang mga kabataan ng Tondo.

Sa Paredes Street ay inilahok namin ang “self awareness” roon upang kanilang malaman kung ano ba talaga ang mga karapatan ng isang indibidwal lalo na ng isang kabataan. Kapag ito’y naumpisahan na ay magbibigay ng pondo ang KKFI upang ito ay maisakatuparan.

Inaamin ko na hindi ito ganoon kadali sapagkat sabi nga ni Sir LJ ang pagiging isang “leader” ay palaging may halong pagsasakripisyo.

Una sa aming mga adhikain kung bakit naming hinihimok ang mga kabataan na sumali sa aming mga isinasagawang mga proyekto ay ang mailapit sila sa Diyos. Oo, masasabi ko na iyon ay hindi ganoon kadaling gawin, lalo na sa ngayon na puro mga “gadget” na ang hawak-hawak ng mga kabataan at hindi libro o bibliya.

Sa paggawa namin ng aming mga kani-kaniyang mga proyekto ay natuklasan ko rin na sa ganitong mga gawain lumalabas ang sari-saring mga emosyon at kung saan ay hindi na nagkakaunawaan ang bawat isa ay nagkakaroon ng ng mga alitan. Pero sa kabilang banda ay amin itong naisasaayos at naipagkakasundo ang himutok ng magkabilang panig na may hidwaan sa bawat isa.

Sa bandang huli ay mas pinapatatag kami ng mga ganitong sitwasyon kung papaano namin paiiralin ang pagiging leader ng bawat isa. Nang dahil rin dito sa nasabing proyekto na aming isinasagawa matapos ang YLEAD ay natutuhan ko kung papaano magpakumbaba at humingi ng tulong sa iba. Higit sa lahat ay natutunan ko kung papaano ko pakalmahin ang sarili ko sa mga hindi ko inaasahang mga pangyayari.

Kaya sa ngayon, ang masasabi ko lamang ay sana maipagpatuloy pa ang YLEAD hanggang sa mga susunod pang mga henerasyon naming mga kabataan upang mas marami pang mahubog at mabago na mga kabataang tulad ko.