Kapayapaang May Kagalakan, Posible Ba?

Ni Nancy Caluya-Nicolas

Executive Director

 

May isang popular na awiting parati kong naririnig na kinakanta ng mga grupong relihiyoso: “Let there be peace on earth….”

Nakakaindak ang saliw ng awiting ito. At kung iyong nanamnamin ang lyrics ay titindig ang iyong balahibo. Bakit? Marahil dahil ang tinutukoy nito ay ang pangarap ng ating puso at kaluluwa—ang kapayapaan.

“Sumainyo ang kapayapaan,” ang bati ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa mga apostol Niya nang siya ay muling nagpakita sa kanila matapos Siyang nabayubay sa krus. Kapa-yapaan ang isang bagay na pinakakailangan ng mga apostol nang oras na iyo. Nag-aalala sila para sa kanilang kaligtasan. Walang katiyakan ang kanilang hinaharap. Higit sa lahat, halos masira ang kanilang katinuan dahil sa lungkot na nararanasan nang mawala ang kanilang pinakamamahal.

Kailangang-kailangan nila ng kapayapaan ng isipan at kalooban. Alam ito ng Panginoon kaya’t ang pagba-ting “Sumainyo ang kapayapaan” ang isinalubong Niya sa kanyang mga pinakamamahal na apostol.

Ano nga ba ang “kapayapaan”? Hindi magkatulad o “synonymous” ang kapayapaan at katahimikan. Maaaring maging tahimik nang walang kapanatagan. Kung minsan ay napaparalisa na lamang sa isang tabi ang isang tao o hayop mang natatakot. Pinipili nilang manahimik maka-survive lamang.

Ang tunay na kapayapaan ay katahimikang may kapanatagan ang kalooban at kagalakan sa puso. Ito ang pinakananais ng lahat.

Ngunit mailap ng kapayapaan. Sa buong kasaysayan ng daigdig, uhaw na uhaw ang mga tao at mga gobyerno dito. Kaya’t kahit mababaw lamang ay ipinagmamalaki na ng mga namamayaning uri na naabot nila ang “kapayapaan” o “peace” o “pax” (sa salitang Latin).

Mula noong 27 taon bago isilang si Jesus (27 B.C.) hanggang 180 taon matapos Siyang mamatay ay ipinagmalaki ng Roma na napanatili nila umano ang kapayapaan sa buong emperyo. “Pax Romana” ang tawag nila dito.

Diumano’y nakaranas naman ng “Pax Mongolica” noong ika-13 at ika-14 siglo sa mga bansang nasakop ni Genghis Khan at Mongol army niya. “Pax Britannica” naman ang itinawag kapayapaang naranasan mula 1815 hanggang 1914 sa Europa.

Nang magsimulang ang ika-20 siglo, “Pax Americana” naman umano ang naranasan ng malaking parte ng mundo, partikular ang Western Hemisphere, salamat sa “pagbabantay” ng Estados Unidos.

Sa lahat ng mga nabanggit na “pax” o kapayapaan, may mga kaakibat na pananakot o pagbabanta ng pwersa. Hindi ba maaaring walang ganito? Hindi ba posible maabot ang kapayapaan na may kagalakan at kapanatagan ang mga taon?

Bakit hindi natin subukan ang Pax Cristiana?

Hindi mababaw o “superficial” ang kapayapaang Kristiyano. Ang kapanatagang dulot ni Kristo ay sagad sa buto, ‘ika nga. Tumitimo sa puso’t isipan. Damay ang kaluluwa.

Ito ang kapayapaang “may kaga-lakan” na tinutukoy ng tema ng ika-68 anibersaryo ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI). Hindi ito pulitikal tulad ng Pax Romana at Pax Amerikana.

“Let there be peace on earth and let it begin with me,” ayon sa awitin. Hindi kailangang magkaroon ng alyansa ng mga grupo o maraming indibidwal upang maranasan ang Pax Cristiana. Madali lamang gawin upang makuha ito—tanggapin ang Panginoong Hesus bilang Tagapagligtas dahil inalay Niya ang kanyang banal na dugo upang tayo, bagama’t mga makasalanan, ay maligtas at makaranas ng buhay na walang hanggan.

Ngunit mahirap din sapagka’t hindi kailanman madali ang maging tapat sa sarili na magpakababa at tangga-ping hindi tayo maliligtas kailanman ng sariling pagsusumikap, gaano man ito kabuti sa ating pag-aakala. Mahirap manatiling tapat sa Diyos at matulungin sa kapwa.

Ngunit ang gantimpala naman ng mga mananatiling tapat ay ang walang katapusang kapayapaang may kagalakan. Ito ang uri ng kapayapaan na matatagpuan sa langit.

Ngunit hindi ibig sabihin nito ay hihinto na tayo sa pagsusumikap na makamit ang kapayapaang may kagalakan sa daigdig na ito pa lamang. Bilang mga Kristiyano, tungkulin natin ang iparamdam sa ating mga kapwa, lalo na ang mahihirap, ang uri ng kapayapaang ito upang mapatunayan lamang na ang Diyos ay sumasaatin sa Lupa at maging sa Langit.

Ito ang papel ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc.—ang ilapit ang Diyos sa mga mahihirap at nangangailangan at gayundin ay ilapit ang mga mahihirap at nangangailangan sa Diyos.

Sa tulong ng Panginoon ay tapat nawa nating maisakatuparan ang ating tungkuling iparanas sa tao ang kapayapaang may buong kagalakan na nagmumula sa Diyos.

 

Advertisements

Ang Silid-Aralan sa Likod ng Simbahan

Ni Joanna Marie Z. Merced

 

Paano kung ang iyong silid-aralan ay hindi ang isang tipikal na larawan ng isang classroom at matatagpuan lamang sa likod ng simbahan, papasok ka ba?

Alam ng lahat na ang eskwelahan ay ang pundasyon ng karunungan ng bawat mag-aaral. Nagsisilbi itong pangalawang tahanan kung saan itinuturo ang pagsusulat at pagbabasa.

Ito ang kwento ng mga mag-aaral ng Child Development Center ng Manila North Cemetery.

Ako si Joanna, naglilingkod sa Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI).  Ako ang itinalagang guro upang magturo sa mga batang nag-aaral sa may likod ng simbahan—isang malaking simbahan na may nakakubli palang eskwelahan.

Sa apat na sulok ng silid-aralan, may mga kwento ang bawat mag-aaral. Bilang guro, nakita ng aking mga mata ang buhay na mayroon ang mga batang mag-aaral. Mahihirap at mayroong simpleng pamumuhay. Sila ang mga batang may edad na apat hanggang anim na taong gulang. Labing-limang mag-aaral na naninirahan sa libingan ng mga patay.

Marami sa kanila ay may musmos pang kaisipan at sa sementeryo na sila namulat. Tama ang nabasa n’yo—sila ang mga batang nakatira sa loob ng sementeryo na kung saan ang mga museleo ng mga patay ang nagsilbing kanilang tahanan at bubong na kanilang masisilungan.

Doon, kasama nila ang kanilang mga nanay at tatay, mga kapatid, mga lolo at mga lola. Marami pa ang mga  kwentong nakakubli na hindi pa natin nalalaman.

Bilang guro sa aking mga mag-aaral, nasaksihan ko kung ano ba ang kakulangan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Bago ako pumasok ng eskwelahan, ako ang namamalengke ng mga pagkaing lulutuin para sa kanilang tanghalian, para mapunan ang isang beses sa isang araw nilang kailangan. Mapunan ang tiyang hindi nakakain ng agahan, mabusog ang sikmurang nalipasan na ng gutom dahil sa umagang nagdaan.

Nakakalungkot isipin pero iyon ang katotohanang hinarap  ko sa loob ng walong buwang pagtuturo ko sa mga batang mag-aaral sa likod ng simbahan. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit ang KKFI ay patuloy na tumutulong sa mga batang naninirahan sa loob ng sementeryo.

Ito ay patuloy na naghahangad ng pagbabago ng pamumuhay sa bawat mag-aaral. Ito ang nagsusumikap makaipon ng pondo at naghahanap ng mga donasyon upang patuloy na makapagbigay sa mga pamilyang nangangailangan.

Saksi ako sa pagsusumikap ng maraming mag-aaral upang makapasok sa eskwelahan kahit malayo ang kanilang tahanan. Kung walang pamasahe ay nilalakad nila ang mahabang daan patungo sa simbahan huwag lang maipag-iwanan sa mga leksyon.

Tuwang-tuwa ako kapag ang aking mga mag-aaral sa likod ng simbahan ay pumapasok araw-araw. Kahit sa maliit na apat na sulok ng aming silid-aralan, maririnig mo ang kanilang mga kwento sa maghapong nagdaan, ang kanilang malalakas na tawanan, mga nag-uunahang kamay na itinataas para makasagot sa aming talakayan.

Pilit naming iniraraos ang pag-aaral sa araw-araw upang mayroon silang matutunan. Wala sa laki ng gusali ng eskwelahan para ikaw ay may matutunan. Ang mahalaga ay ang pagsisipag at pagsusumikap ng bawat batang mag-aaral para, sa darating na panahon kapag siya ay tagumpay na, siya naman ang magkukwento kung paano niya napagtagumpayan ang mga pagsubok ng nakaraan.

Hindi mahalaga ang kapayakan ng maliit na silid-aralan sa likod ng simbahan. Sa mga handang magsumikap, ito ay simula ng magandang kinabukasan.

 

Ang Trahedya at Pag-Asa ni Nene

ni Raquel Fabre

Bilang isang volunteer worker ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI), bahagi ng aking trabaho ang magturo ng Supervised Neighborhood Play (SNP) sa Longos, Pulilan Bulacan. Doon ko nakilala si “Nene” (di tunay na pangalan), apat na taong gulang.
Mahiyain si Nene, bihirang kumibo. Akala mo ba ay takot sa tao. Para sa akin, isang mala- king palaisipan si Nene.

Minsan, inakbayan ko ang kanyang nakakatandang kapatid at ikinagulat ko ang reaksyon niya dahil tila natakot din siya akin. Nahihiya ba sila? Natatakot?

Dahil dito ay nagbigay ako ng aking oras para sa mga batang ito. Nais kong makilala pa sila nang husto.

Isang araw, nabalitaan ko na nagkagulo sa bahay nila. May na-rape daw na isa sa kanila. Hindi ito halos matanggap ng kanilang ina. May mga pagkakataong mas gusto pa niyang magpakamatay. Ngunit nakakuha siya ng lakas upang lumaban mula sa kanyang mga anak.

Sa aking pakikipag-usap kay Nene, ang biktima ng pang-aabusong sekswal, ay may napansin akong mas malalim na sugat. Limang taon pa lamang pala siya ay sinimulan na siyang molestiyahin ng kanyang sariling ama.

Tila nakikipag-patintero siya sa loob ng maliit nilang bahay, parating umiiwas na maulit ang nakakasulasok na karanasan sa kamay ng sariling ama. Dumaan ang ilang taon ay nanatili ang takot niyang mapag-isa. Takot rin siya sa lahat ng lumalapit sa kanya at sa mga humahawak sa kanya.

Si Nene ay isa lamang sa maraming batang nakararanas ng mga bagay na hindi nila dapat pinagdadaanan, lalo pa’t sila’y nasa murang edad lamang. Kaya pala gayun na lamang sila umiwas kung inaakbayan ko sila. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit.

Nang lumaon, nagkasundo ang magkapatid na ipakulong ang walang-pusong ama. Sa pagdaan ng mga araw ay lalo ko pa silang nakilala, si Nene at ang iba pang dumaan sa kanyang pinagdaanan. Dalawa pang batang babae na nakaranas ng katulad na mga pangyayari kasi ang nakilala ko magmula noon.

Bilang volunteer worker ng KKFI, naging katuwang ako sa paghahanap nila ng katarungan para sa isang baluktot na pangyayari. Sa tulong ng ating social worker ay sumuporta rin ang KKFI sa kanilang pangangailangang pinansiyal.

Habang buhay nang nakatatak sa isip at puso ng mga pamilyang biktima ang mga pangyayaring iyun sa buhay nila. Ngunit naniniwala ako na hindi nagtatapos doon ang istorya ng kanilang buhay. Hangga’t may mga nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob ay kakayanin nilang umahon sa pagkakalugmok upang mabuhay nang may kabuluhan.

Ito ang pag-asang pinanghahawakan ng KKFI kaya’t patuloy itong tumutulong sa sa mga katulad ni Nene.

RISING FROM THE DEAD

by Glenda B. Gutierrez

 

“We now live outside of the cemetery,” says Anna B. Villegas, 32, apparently with proud air about her.

Anna is referring to the Manila North Cemetery (MNC), where her family used to live. To her and thousands of others who reside there, the life-goal has been to be able to own a house or at least rent a place outside of the MNC.

Anna’s dream came true because of the $4,000 livelihood grant that the Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) received recently from the United Methodist Women (UMW).

On March 8, 2017, the grant was distributed to 13 recipients and Anna was one of them. She immediately bought a pedicab for her husband, Joselito, who now uses it to collect recyclable materials like plastic and glass bottles in Manila North Cemetery and neighboring communities.

Before acquiring the pedicab, the Villegas couple were caretakers of tombs in MNC.

“It was difficult living in the cemetery, especially when it rains and floods,” narrates Anna. “It is not safe there and there are a lot of drug addicts around.”

She says she and her family are now “happy to live in Caloocan City” albeit, still making both ends meet.

“Our monthly room rental is P2,000 plus P1,000 for electricity and water. My husband earns an average of P300-P400 a day, enough to meet the daily expenses,” she discloses, adding that Joselito works six days a week.

The Villegas family is blessed to receive a scholarship grant from a Korean national that benefits three of her four children, thereby augmenting the family income. She proudly says that her children are honor students: Krishen Keith Althea (Top 3), Kyle Dustin (Top 6) and Kristel Keith (Top 9). The youngest is yet to go to school.

Anna has her church, San Pancratio Parish in Caloocan City, for linking her to the generous Korean benefactor.

Anna wants the best for her family. Though she is a graduate of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Housekeeping Course, she wants to prioritize taking care of her family instead of working abroad.

She keeps on learning and has attended workshops on candle-making, fabric conditioner-making and dishwashing soap-making.

She is also a parent-leader of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) City Link since 2012.

Indeed, Anna is worth emulating. She and her husband continues to strive to improve their lives, and the first step came when they brought their family out of the cemetery.

 

EDUCATION LEADS TO A BETTER LIFE

by Glenda B. Gutierrez

Geraldine Maguddato, 22, says her Alternative Learning System (ALS) credentials helped her find a job. Aldine, as she is fondly called, was able to attend ALS classes for a few months, from September 2015 to April 2016.

“I was 17 when I stopped schooling. I was then in the second level of high school. With ALS, it just took me a few months to graduate,” she said. Immediately after, she took the Accreditation and Equivalency (A&E) examination of the Department of Education (DepEd) and passed.

Almost instantly, she found herself being accepted as a sales lady at the 3F Family Savers in Carriedo Street in Manila.

Aldine said she was not able to attend formal high school because her family could not stay in one place for very long. They had no permanent residence. She remembered forcing to move out of their house in Quiapo because it was up for demolition by the police. They squatted in a private property whose owner thought of developing the land.

They could not afford a better place. Her father was an electronics electrician and he did not earn enough to pay the monthly rental fee for even a room decent enough for his family. Aldine knew the story very well—several delayed payments followed by eviction. This thing happened so many times that Aldine lost count.

She learned about the KKFI ALS program from Alyssa Ocampo, her aunt’s neighbor with whom she was staying temporarily. Alyssa, who just passed the A&E exam, encouraged her to try it. Aldine could tell how positive her friend was who just recently was able to pass the entrance exam of a college.

Aldine thanks KKFI for the opportunity to finish high school and to learn other new skills learned. She became a participant of KKFI’s Youth Lead, Educate and Advocate for Development (YLEAD) camp held in September 2015.
“I learned how to become a leader in YLEAD,” Aldine said, beaming. The leadership skills she learned probably helped her in finding a job. However, she had to resign eventually because of low salary despite the management plan to promote her to an officer-in-charge of sales. In any case, this knowledge that the company’s management had recognized her potential made her confidence grow.

In YLEAD, Aldine leaned the value of responsible financial management. She has since saved for her education and plans to take up Hotel and Restaurant Management course in the near future.

“I would like to thank KKFI, especially Sir Vince Eliver, who encouraged me to continue my studies. All my needs in the ALS were provided for free,” Aldine said.

“I also thank all the KKFI staff who showed only kindness to me.” She proudly boasted that she has a new job now. “I have been hired at Isetann Department Store,” she said. “I only need to submit my high school diploma and other requirements.”

Indeed, education is a means to better life. Like Aldine who was able to use her high school diploma to get a better-paying job, more young people may follow her footsteps and enrol in KKFI ALS program.

The KKFI is currently conducting ALS sessions for the residents of Sampaloc, Tondo, Manila North Cemetery and Navotas City.

CANDLE OF HOPE

by Larren Jo N. Basilio

After a 10-month hiatus, my fate brought me to Manila once more. Peacefully living in the isthmus of Bataan where I enjoyed the fresh air, morning breeze, and green pastures, my body longed to respond to my first call–service—both community involvement and youth empowerment.

Teaching is part of our family heritage. Most of us are involved in this ministry. In fact, for the last eight years, I was part of 6 Daily Vacation Church Schools in Bataan. I used to teach in Sitio Boracay, which is the total opposite of Boracay in Aklan. Houses there are made with wood planks. The community is quite isolated that one needs to take a short ride on a raft. Everything in Sitio Boracay is superlative.

Haunted house, vampires, manananggal, white lady, name it. These were the first words that popped in my mind on my first attempt to visit Manila North Cemetery as Likharal teacher. I stared puzzled at every mausoleum filled with appliances, mausoleums that serve as flower shops and sari-sari stores, and home for the living and the dead at the same time. It sounds crazy but, yes, it is real! For my longest time living in this world, it was the most shocking community I have ever seen.

LJ2
Larren Jo Basilio, fondly known as LJ, leading in a prayer during the Likharal at the Manila North Cemetery.

My first day was disastrous. Nobody was listening. I tried every single strategy I usually do and nothing seemed to work. I asked one of my students, a nine-year-old, who was staring blankly at some object.

“Anong natutunan mo?” “Wala,” he replied, to my dismay.

“Ano na lang narinig mo sa kwento ko kanina?” I continued.

“Wala, hindi ako nakikinig. Iba iniisip ko,” he answered in a very strong voice.

“Anong iniisip mo?”

“Kung ano pwede kong pagkakitaan mamayang hapon.”

“Hingi ka na lang kila mama at papa mo.” I urged.

And he replied fiercer, “Baka ako pa nga magbigay doon e.”

I was at a loss for words for a moment. I didn’t know why but, somehow, I feel the burden that this child was bearing. He and his friends chose to stay away from the group. I continuously approached these boys and kept on feeling the atmosphere.

After some time they started sharing their stories. Most of them dropped from school and their ages are no longer suitable to their last grade level, making it harder for them to come back. Days passed and the class of 30 was divided into three.

“Bawal ang pangit sa grupo namin; dapat magaganda lang lahat,” an 11-year-old uttered.

A commotion broke out 20 steps away from me after class when another girl shouted “Gyera na!”

Emotions were stirred and one thing led to another, prompting a understandably nervous parent to whisk her daughter away from the scene.

Earlier during a game, a group refused to accept defeat and initiated a fight. I was caught off-guard. When confronted them, nobody wanted to take the blame. I tried to talk to both sides, but they both ignored me. What they wanted was to continue throwing punches at each other. I admit I was at a loss of what to do at that moment.

Teaching the good news (the theme of Likharal 2017 was “Tell the Good News”) was really a huge challenge! I could not even tell if my students learned anything. They seemed vent on denying me the pleasure of knowing they absorbed something, anything!, from me. I wanted to give up and let the week just pass me by. But then I was reminded of our Likharal’s lesson: the Lord empowered Paul, formerly known as Saul, to tell the good news perseveringly amidst imprisonment.

LJ3.jpg
LJ (left with Flor Tatoy and James Aguilar teaching a dance during the LIkharal.

I was reminded that when Jesus called His disciples, they were not at their best. It is the series of tests that made them faithful followers of Christ. It is the series of tests that enabled them to see the unbelievable and fight for the doubtable. It is through and by faith that they were able to follow Christ while He was preaching, healing, and praying. And once when the disciples doubted, Jesus got up and calmed the storm.

“Bakit ka bumabangon?” One time Ate Love told me after a very tiring day of ALS class. “It is because you love and care for them.” That is the exact feeling I have for my Likharal students. This time I cannot be what I once was. I could not make them silent, I chose to be with them in making noise. As the saying goes, “If you can’t lick ‘em, join ‘em.” I chose to enjoy and learn what others see as a chaotic world. I mingled and tried to understand. I learned not to beg for what they cannot give. In a dim world, I lit a candle of hope, telling them that I strongly believe in their capabilities. I knew from the start that they might not memorize the things I taught them, but I trust that they will not forget them. What the mind can’t remember, the heart can.

ANG NASIMULAN NG LIKHARAL

FB_IMG_1494578213164ni Joanna Marie Merced
 
Matapos ang dalawang taong pakikibahagi ko sa “LikhAral” ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI), dumating din ang pinakahihintay kong pagkakataon ngayong taon na ito.
 
Dati ay tagasaway lamang ako ng mga makukulit na batang kasali sa LikhAral. Bukod nga pala dito ay taga-ayos din ako ng mga kalat at tagabili ng pagkain ng mga mag-aaral at titser na nagutom matapos ang dalawang oras na sesyon. Ngunit ngayon taong ito, iba na ang level ko. Isa na ako sa mga guro ng LikhAral!
 
Nag-umpisa ito nang anyayahan ako ni Ate Christian Love D. Gagno na maging bahagi ng “Trainor’s Training” na ginanap sa Baguio City ilang buwan lamang ang nakakaraan. Nakasama ko doon sina Flora Mae Tatoy at Raquel Fabre, na pawang staff ng KKFI. Maraming iba pa ang nakasali sa nasabing pagsasanay at sila ay pawang nagmula sa mga local churches ng United Methodist Church (UMC).
 
“Tell the Good News” ang tema ng Vacation Church School (VCS) ngayong taon, at ito ay pinag-aralan namin sa loob ng tatlong araw. Ang mga participants ng training ang may responsableng ipahayag ang nasabing mensahe. Naitanong ko tuloy sa aking sarili: “Kaya ko ba?”
 
Ito at iba pang mga tanong ang naglaro sa aking utak. Siyempre pa, kinakabahan ako pero, ewan ko ba, may galak akong naramdaman sa aking puso. Totoong natutuwa ako sa karanasang aking pinagdaanan sa Baguio. Nakakilala ako ng mga gurong may kanya-kanyang katangian at kakayahan. May masungit at may mabait. Ngunit hindi ko naramdamang hadlang ang iba’t ibang pinagmulan dahil iisa lamang ang aming layunin—ang maipalaganap ang Mabuting Balita sa mga kabataang lalahok sa VCS, o ang KKFI version nito na LikhAral.
 
Nakakatuwang isipin na may iba’t ibang pamamaraan upang ipahayag ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan. Sa Baguio, nakita ko kung paanong pinagsama-sama ng Panginoon ang mga taong hindi magkakakilala upang magkaisa. Sadyang kahanga-hanga kung paano itinuturo ang pag-aaral ng mga kanta, ang paggawa ng mga bagay-bagay mula sa malikhaing kamay ng mga kalahok at ang paglalagay ng tamang aksyon sa mga liriko ng kanta.
Tinuruan kami kung paano magpatawad at humingi ng tawad sa mga taong nakasakit at nasaktan namin. Kung magagawa umano ito, masasabi mo na kung kaya mong magpalaganap ang salita ng Diyos.
 
Maaaring maiksi lamang ang tatlong araw sa ganoong klase ng pagsasanay pero ang mga aral na natutunan ko ay naipunla na sa aking puso at isipan. Siyempre, hindi natatapos sa Baguio ang aking pagkakatuto sapagkat ibinahagi namin nina Flor at Raquel ang aming mga natutunan sa mga kabataan mula sa Tondo, Manila North Cemetery at Bulacan. Ang isang guro ay patuloy na natututo habang siya ay nagtuturo.
 
Ang pinakamahalaga kong natutunan ay ang katotohanang Malaki ang impact ng tatlong araw na LikhAral sa buhay ng mga bata. Nakakagalak sa aking puso ang makita silang nagpupursigeng magawa ang iniatas sa kanilang gawain. Kay gandang tingnan na ginagamit nila ang kanilang malikhaing kamay, mga boses, mga kamay at paa sa pagsunod sa liriko at ritmo ng bawat kanta.
 
Wala ngang imposible sa Panginoon. Sino ang mag-aakala na 40 kabataan ng Tondo ang tatanggap sa leksyon ukol sa pag-ibig ng Diyos? Kaya’t ang epekto sa akin nito ay tagos sa aking pagkatao dahil nakakataba ng puso ang kaalamang mahal ka ng mga kabataang-Tondo.
 
Alam kong naituro namin nang maayos ang mga dapat matutunan ng aming mga estudyante, na siya namang magtuturo sa mga batang lalahok sa limang araw na pag-aaral sa Tondo, Paredes, MNC at Bulacan. At hindi nga nila kami binigo dahil maayos nilang naisagawa ang LikhAral sa mga lugar na nabanggit.
 
Nakakapagdulot ng ligaya na maisalin sa mga estudyante ang mga leksyong aming natutunan sa Baguio. Kung minsan nga ay nananaginip ako na nagtuturo ako at nag-uunahang sumagot sa tanong ang aking mga mag-aaral, sumasali sa bawat palaro, gumuguhit gamit ang krayola at papel at nagbabasa ng mga assignment.
 
Alam naming hindi perpekto ang aming mga nagawa. Maaaring may kulang. Pero tiwala kaming naihayag namin ang kailangang iparating na tema na “Tell the Good News.” Nananampalataya ako na ang bawat batang nakilahok sa LikhAral—sa kanyang bawat pagkanta, pagkembot sa saliw ng awit, pag-memorya ng Bible verse at pagpapatotoo na mahal sila ng Diyos—ay nakapiling ang Panginoong Jesus sa mga panahong iyon.
 
Alam ko na hindi natatapos dito ang mga katuruang inihatid namin. Sa kapangyarihan ni Jesus, ito ay simula lamang.