by Nancy Caluya-Nicolas

“I’m so happy to see you!” I greeted Phillip Myers.

“Me, too!” he replied with a broad smile.

After those short and simple salutations, we wiggled our way to the chairs around a table of the Outback Steakhouse in Taco Hills.

I was in Atlanta, Georgia with Doc Glenn Roy Paraso, a board member of the Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI), to join the General Board on Global Ministries (GBGM) in its celebration of the Methodist Mission Bi-Centennial Conference in Emory University.

There was another reason why I made sure to be there—to meet Phillip, who has been donating to KKFI since 2016. I thank the Rev. David Ahearn and his wife, Minako, for arranging my long-sought meeting with him and making my wish come true.

“I’ve always wanted to meet you to personally thank you for your support to KKFI,” I told him.

Phillip came to know about KKFI when he heard Reverend Ahearn, a professor of LaGrange College, shared to the members of Druid Hills United Methodist Church about a recent visit to the Philippines. He also pleaded with the congregation to help KKFI send underprivileged children in the country to school.

Pastor David told them he was helping KKFI to raise a fund for this purpose.
Phillip’s heart was instantly touched. He approached David and told him: “Don’t worry about it; I’ll take care of it.”

Mr. Phillip Myers (second from left) with KKFI Executive Director, Nancy C. Nicolas (left) and MInako and David Ahearn.

Phillip is the epitome of a philanthropist. He is not exactly a millionaire; but he has the heart of a selfless billionaire.

He spent 49 years of his life as a staff member of the World Relief, particularly in the refugee program, which supports migrants in the United States. He has retired for several years, but he still continues to serve by volunteering his services to two local hospitals.

His contribution to the KKFI scholarship program has rippled to an extent we never imagined. Today, KKFI is supporting 60 scholars pursue college education or vocational course.

“Oh, I did not know that!” Phillip said, incredulous but apparently pleased, when I told him about it.

Before, the KKFI could only support the Alternative Learning System (ALS), which is only up to high school level. After Phillip started sending his contribution, the KKFI was able to jumpstart a scholarship program that allowed the Foundation to send high school graduates to college and vocational schools.

The effect of these opportunities were, obviously, life-changing for the scholars. They developed self-esteem that was not there before. They have become youth leaders and “teachers” of out-of-school children in poor communities in the city of Manila and the suburban province of Bulacan.

Indeed, Phillip’s donation started the ball rolling for KKFI’s scholarship fund that now has benefitted many. And his effort continues, “as long as I live,” he said.

My encounter with Mr. Phillip Myers, was, indeed, a brief one, but I know in my heart of hearts that it was a moment that’s worth cherishing for a lifetime.

On my part, I was sure that I was in the presence of pure-hearted soul, a kindred spirit whose generosity is heaven-sent for poor children and youth in communities where KKFI serves.

I learned that he lives alone. However, he assured me that he no longer feels lonely because he now has a family—the KKFI family.

Before we said our goodbyes, I presented to Phillip a plaque of appreciation from the officers and staff of KKFI. I can tell he felt our—the KKFI and children’s—love.
In the end, that’s what’s important—the love the family members feel for each other.


Ang Nagbigay ng Daan Kung Bakit Kaya Kong Mangarap

Ni Jehu O. Ferrera

Taong 2008, nasa Grade 6 sa Mababang Paaralan na ako nang unang natulungan ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI).

Bago ako naging bahagi ng Gilead Center ng KKFI, masasabi kong masaya ang aking pamilya. Hindi naman nagkamali ng pagpapalaki sa aming magkakaptid ang aking ina, bagama’t siya lamang ang nagtaguyod sa aming apat na magkakapatid.

Masaya ang pamilya namin kahit na mahirap lang kami. Hindi rin kami nakalilimot magpasalamat sa Panginoon sa kahit anong blessing ang dumating sa amin.

Dumating ang oras na kailangang mangibang-bansa ng aking ina. Napilitan si Mama na humingi ng tulong sa tiyuhin kong pastor, si Pastor Charlie Ferrera. Ayaw kasi ni Mama na ipaalaga kami sa iba naming mga tiyuhin noong panahong iyon dahil napapabayaan umano kami.

Ipinakilala ng aking tito ang kanyang kaibigan na social worker na si Nanette Fajutag, dating social worker ng Gilead Center. Dumating ang araw na sa Gilead Center na kami maglalagi ng aking kapatid na si Ramil. Doon na nag-umpisang mahubog ang kabataan ko.

Maraming activities ang Gilead Center na kung saan marami kang matututunan, gaya ng kung paano makisalamuha sa ibang tao, paano makipag-kapwa tao, mga outdoor activities, house rules, house task, at marami pang iba.

Ito ang mga gawaing humubog sa akin noong mga panahong nasa Gilead ako bilang iskolar. Nakatutuwang isipin ngayon na mabuti na lamang at naituro sa akin ang mga bagay-bagay na nagagamit ko na sa pang-araw-araw na buhay, lalo na sa pagtatrabaho.

Napakalaki ng naitulong sa akin ng KKFI. For almost 9 years na pagtulong sa akin ng KKFI at ng mga staff nito (lalo na kay Kuya Vince at Ma’am Flora) kahit na hindi ako masyadong nakaka-attend sa activities nila dahil nag-working student ako ay patuloy nila akong inintindi.

Maraming salamat, KKFI, sa pagtulong sa aking pag-aaral. Ikaw ang nagpanday ng kalahati ng aking pagkatao ngayon. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako makatatapos ng kolehiyo.

Marami akong natutunan at nakikilalang kaibigay sa tuwing sumasali ako sa mga activitiy ng KKFI. Oo nga’t tinulungan ako nito sa iba’t-ibang aspeto—financial at maging spiritual.

Tinulungan ako ng KKFI maabot ang unang goal ko, ang makapagtapos ng pag-aaral. Bukod dito, ang isa pang pangarap ko makabawi sa mga sakripisyo ng aking ina. Nais kong mabigyan siya ng sariling bahay at lupa.

Ang hiling ko sa KKFI ay huwag sana itong magsawa sa pagtulong sa pag-aaral ng mga batang kapus-palad. Sana ay mas marami pang mga kabataan na may mga matatayog na pangarap ang matulungan ng KKFI. Sana ay patuloy nitong hubugin ang mga batang ito sa pagiging handa sa mga challenges ng outside world.

To the sponsors and donors of KKFI, I want to say, “Thank you so much!” May God bless you for being so generous.
Mabuhay kayo!

Eskwela sa Gilid ng Kalsada

Ni Rhoy Cantal

Bata… bata… bata na ubod
Nang kulit. Kahaba-haba mong pasensiya
Kanilang uubusin pawis mo’y tumatagaktak
pero sila ay nagkukulit pa rin.

Kakaiba ang LikhAral classroom
At hindi basta-basta. Sa gilid
Ng kalsada kami ay nagkaisa na doon
Turuan mga batang aming dala-dala
Hindi alintana ang init sa umaga.

Aminado sa unang araw, ako ay
May kaba dahil ang mga batang
pumunta ay hindi lamang dalawa
pero ang kaba ay nawala nang ang mga bata
ay ngumiti at ang unang araw ay
naging masaya.

Lalo nila akong napasaya
Nung makita ko sila na mas
Dumami pa. Hindi ko inisip na sila
Ay sawayin, bagkus iniisip ko
Na sila ay turuan.

Aminadong ako’y naaasar dahil
Sila ay sobrang kulit at pasaway
Alam ko sila ay magagalit at hindi
Na babalik ‘pag ako ay nagsungit
Kaya pasensya ko ay hinabaan at
Pakikisama sa kanila ay mas lalo
Pang ginandahan

Sa pangatlong araw mas lalo
Pa akong ginanahan na sila ay
Turuan dahil sa bawat araw o oras
Na kasama ko sila ako ay kanilang
Napapatawa sa bawat yakap at
Ngiti nila pagod ko ay nawawala
Mga munting bata na ubod
Ng kulit pero kahit na ganun
Mas lalo pa akong ginanahan
Mag patuloy ng Likharal

Mga batang akala mo hindi
Marunong makinig, mga batang akala
Mo puro pag papasaway lang ang
Gagawin, hindi naman pala dahil
Lingid sa kaalaman ko ang mga
Batang iyon ay mas nagiging aktibo

Naging pasaway man sila, pero
Malaking respeto ang ibinigay
Nila. Dahil hindi ko ipinaramdam
Na iba ako sa kanila
Dahil mas pinaramdam ko na kami
Ay iisa

Hindi naman kami magkakapatid sa dugo,
Magkakapatid naman kami para sa puso nila
Hindi ko ipinaramdam na guro ako para sa kanila
Kundi ipinaramdam ko na kami ay iisa.

Sa ika-limang araw ramdam ko ang
Saya nila iba ang ngiti sa bawat
Mukha nila andun ang galak nila dahil
Hindi sa tapos na kundi dahil sa
Makukuha na nila ang sertipikong
Pinagpaguran nila.

Salamat sa Likharal dahil kahit sa konting panahon
Napalapit ako sa kanila.

Reaching Out to Families through ‘LikhAral’

by Christian Love Daroy-Gagno

The family is the basic unit of society, but it also can influence the member-individual the most. The Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) believes in its importance in honing gifts and enabling people to unleash their potential to enjoy the fullness of life.

“Likharal” (Create and Learn) is the summer program of KKFI in reaching out to children from different communities. It aims to teach about the love of Jesus and to minister to them by advocating their cause.

This year, the theme of LikhAral is “Tahanan at Ako” (Home and Me). Tahanan came from the root word “tahan” which means to “stop crying”. Just like home. We find peace when we are at home.

With all the happening around us, it is difficult to find peace. Sometimes, even at home there is no peace.

Children experience several problems when they belong to a broken family. They encounter emotional breakdown and suffer depression which can lead to suicide.
Some are affected in terms of their attendance and performance in school. Filipino children feel insecure and some become irrational and suffer from anxiety disorder. Children who have no parental guidance tend to do what they want as long as they feel happy. Some of them may even get involved in drugs or other teens may get into pre-marital sexual activities.

The KKFI saw the effects of the brokenness of families in the communities and its impact on children’s psyche. The need to address families is so strong and urgent! That is why KKFI purposely created the theme “Tahanan at Ako”—to strengthen the families that children and youth may have a piece of peace when they are at home.
The theme has five sub-topics: Kabahagi, Kapamilya, Kapatiran, Kaharian, and Kapistahan.

“Kabahagi” emphasized the sense of belongingness to a family. “Kapamilya” is to strengthen the roles and responsibilities of family members. “Kapatiran” discussed the part of a family towards transformation of the community. “Kaharian” gives hope to children and youth that a Father in Heaven cares and loves them and they belong to His kingdom. “Kapistahan” is to celebrate families, perfect or not, a family is still gift in one way or another.

To add, LikhAral 2019 advocates against violence and abuse inside the homes. “Hinipuan po ako ng tatay ko” (I experienced malicious touch from my father) said “Happy” (not her real name) during one of the sessions of LikhAral. Happy is not the only one who disclosed an abuse inside their homes.

Through LikhAral, these issues were addressed and acted upon. Children need to feel safe and secure to enjoy the fullness of life.

This year, LikhAral reached 870 children and youth from seven communities. We will conduct LikhaAral again next year and the next. In fact, KKFI will continue to journey with the children until all are safely home.

Kapayapaang May Kagalakan, Posible Ba?

Ni Nancy Caluya-Nicolas

Executive Director


May isang popular na awiting parati kong naririnig na kinakanta ng mga grupong relihiyoso: “Let there be peace on earth….”

Nakakaindak ang saliw ng awiting ito. At kung iyong nanamnamin ang lyrics ay titindig ang iyong balahibo. Bakit? Marahil dahil ang tinutukoy nito ay ang pangarap ng ating puso at kaluluwa—ang kapayapaan.

“Sumainyo ang kapayapaan,” ang bati ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa mga apostol Niya nang siya ay muling nagpakita sa kanila matapos Siyang nabayubay sa krus. Kapa-yapaan ang isang bagay na pinakakailangan ng mga apostol nang oras na iyo. Nag-aalala sila para sa kanilang kaligtasan. Walang katiyakan ang kanilang hinaharap. Higit sa lahat, halos masira ang kanilang katinuan dahil sa lungkot na nararanasan nang mawala ang kanilang pinakamamahal.

Kailangang-kailangan nila ng kapayapaan ng isipan at kalooban. Alam ito ng Panginoon kaya’t ang pagba-ting “Sumainyo ang kapayapaan” ang isinalubong Niya sa kanyang mga pinakamamahal na apostol.

Ano nga ba ang “kapayapaan”? Hindi magkatulad o “synonymous” ang kapayapaan at katahimikan. Maaaring maging tahimik nang walang kapanatagan. Kung minsan ay napaparalisa na lamang sa isang tabi ang isang tao o hayop mang natatakot. Pinipili nilang manahimik maka-survive lamang.

Ang tunay na kapayapaan ay katahimikang may kapanatagan ang kalooban at kagalakan sa puso. Ito ang pinakananais ng lahat.

Ngunit mailap ng kapayapaan. Sa buong kasaysayan ng daigdig, uhaw na uhaw ang mga tao at mga gobyerno dito. Kaya’t kahit mababaw lamang ay ipinagmamalaki na ng mga namamayaning uri na naabot nila ang “kapayapaan” o “peace” o “pax” (sa salitang Latin).

Mula noong 27 taon bago isilang si Jesus (27 B.C.) hanggang 180 taon matapos Siyang mamatay ay ipinagmalaki ng Roma na napanatili nila umano ang kapayapaan sa buong emperyo. “Pax Romana” ang tawag nila dito.

Diumano’y nakaranas naman ng “Pax Mongolica” noong ika-13 at ika-14 siglo sa mga bansang nasakop ni Genghis Khan at Mongol army niya. “Pax Britannica” naman ang itinawag kapayapaang naranasan mula 1815 hanggang 1914 sa Europa.

Nang magsimulang ang ika-20 siglo, “Pax Americana” naman umano ang naranasan ng malaking parte ng mundo, partikular ang Western Hemisphere, salamat sa “pagbabantay” ng Estados Unidos.

Sa lahat ng mga nabanggit na “pax” o kapayapaan, may mga kaakibat na pananakot o pagbabanta ng pwersa. Hindi ba maaaring walang ganito? Hindi ba posible maabot ang kapayapaan na may kagalakan at kapanatagan ang mga taon?

Bakit hindi natin subukan ang Pax Cristiana?

Hindi mababaw o “superficial” ang kapayapaang Kristiyano. Ang kapanatagang dulot ni Kristo ay sagad sa buto, ‘ika nga. Tumitimo sa puso’t isipan. Damay ang kaluluwa.

Ito ang kapayapaang “may kaga-lakan” na tinutukoy ng tema ng ika-68 anibersaryo ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI). Hindi ito pulitikal tulad ng Pax Romana at Pax Amerikana.

“Let there be peace on earth and let it begin with me,” ayon sa awitin. Hindi kailangang magkaroon ng alyansa ng mga grupo o maraming indibidwal upang maranasan ang Pax Cristiana. Madali lamang gawin upang makuha ito—tanggapin ang Panginoong Hesus bilang Tagapagligtas dahil inalay Niya ang kanyang banal na dugo upang tayo, bagama’t mga makasalanan, ay maligtas at makaranas ng buhay na walang hanggan.

Ngunit mahirap din sapagka’t hindi kailanman madali ang maging tapat sa sarili na magpakababa at tangga-ping hindi tayo maliligtas kailanman ng sariling pagsusumikap, gaano man ito kabuti sa ating pag-aakala. Mahirap manatiling tapat sa Diyos at matulungin sa kapwa.

Ngunit ang gantimpala naman ng mga mananatiling tapat ay ang walang katapusang kapayapaang may kagalakan. Ito ang uri ng kapayapaan na matatagpuan sa langit.

Ngunit hindi ibig sabihin nito ay hihinto na tayo sa pagsusumikap na makamit ang kapayapaang may kagalakan sa daigdig na ito pa lamang. Bilang mga Kristiyano, tungkulin natin ang iparamdam sa ating mga kapwa, lalo na ang mahihirap, ang uri ng kapayapaang ito upang mapatunayan lamang na ang Diyos ay sumasaatin sa Lupa at maging sa Langit.

Ito ang papel ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc.—ang ilapit ang Diyos sa mga mahihirap at nangangailangan at gayundin ay ilapit ang mga mahihirap at nangangailangan sa Diyos.

Sa tulong ng Panginoon ay tapat nawa nating maisakatuparan ang ating tungkuling iparanas sa tao ang kapayapaang may buong kagalakan na nagmumula sa Diyos.


Mas Maaliwalas na Bukas ang Dulot ng YLEAD

ni Axel Mendoza


Matagal nang problema ng mga taga-Tondo ang droga. Tila hindi ito matapos-tapos at hindi mapigil-pigilan.

Doon sa Tondo, ito na ang almusal, tanghalian at hapunan ng mga kabataan. Okey lang ang hindi kumain sa buong maghapon basta “makatira” lamang.

Ibebenta nila ang lahat upang maka-“score” lamang, maging ito man  ay ari-arian o kahit ang sariling nilang anak, para sa mga may edad na.

Madaling ibenta ang droga sa Tondo. Kaya’t pinipili ng iba na ito ang ilako upang magkapera kaysa maghanap ng marangal na trabaho.

Ang isang programa ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) na may katawagang Youth Leadership, Education and Advocacy for Development (Y-LEAD) ay naglalayong mag-adbokasiya laban sa masamang epekto ng droga sa buhay ng mga tao, kabataan man o hindi na.

Nagbibigay ang mga kabilang sa programang Y-LEAD ng mga impormasyon sa mga kabataan man o mga magulang upang balaan sila sa pwedeng mangyari kung gagamit at magpapatuloy gumamit ng pinagbabawal na gamot.  Naglatag kami ng mga alternatibong gawain imbes gumamit ng pinagbabawal na gamot.

Nag-organize ang Y-LEAD sportsfest para sa mga kabataan. Dito ay naglaro ng basketball at volleyball ang mga kabataang dati’y nakikita lamang na sa mga kalsada at “tumitira” ng solvent.

Sa sportsfest ay natutunan nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at “teamwork.” Halata ang pagod sa kanilang kilos ngunit makikita rin sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na dati’y mailap sa kanila.

Bukod dito ay tinuruan din ang mga bata tungkol sa masamang idinudulot sa buhay ng paggamit ng bawal na gamot. Tinuruan din sila ng kagandahang-asal. Natutunan nila kung paano rumespeto sa mga nakakatanda at makisalimuha sa mga kapwa bata. Higit sa lahat, ipinakilala sa kanila si Jesus Christ.

Bago ito ay tinuruan ang mga kabataang lider ng disiplina at kung paano mapalago ang sariling mga kaalaman.

Alam naming maraming talento ang mga kabataan ng Tondo. Kailangan lamang nila ng tiwala at paggalang sa sarili upang lumabas ang kanilang pagiging malikhain.

Bago natapos ang proyekto ay nagkataong idinaos ang piyesta sa Tondo at dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga bata at kabataan ng Tondo na mag-perform upang mapanood ng lahat ang kanilang kakayahan.

May mga sumayaw, may mga kumanta, at may mga umarte sa pamamagitan ng teatro.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito mula sa proramang Y-LEAD ng KKFI ay maraming kabataan ng Tondo ang magkakaroon ng panibagong pagkakataong makaangat sa buhay imbes na malugmok sa bawal na droga.


Sa YLEAD, Hinuhubog ang mga Kabataang Leader

ni Allain Canlas


Ang pagiging isang “leader” ay isa sa mga bagay na aming natutunan kung papaano gampanan bilang isang kabataan. Ating alamin kung paano kami nahubog sa Youth Leadership Educate and Advocate for Development (YLEAD) bilang isang Kristiyano.

Ito ay inumpisahan ng aming dating Program Director ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) na si Sir Rex Dayao at ipinagpatuloy hanggang sa ngayon nila Sir Vince Eliver at Ma’am Love Gagno.

Kinabibilangan nito ang mga ALS student na katulad ko upang mabago. Kung ako ang tatanungin kung papaano ako nabago, ito ay dahil na rin sa aming mga “facilitators.”

Una ay si Sir Rex na siyang nagpamulat sa isang tulad ko na hindi imposibleng umangat at magtagumpay sa buhay. Ito ay dahil siya mismo ay dati lamang isang kabataan mula sa hirap at ngayo’y naabot ang mga pangarap.

Ikalawa ay si Ma’am Love na siyang nagturo hindi lamang sa akin kung hindi sa mga katulad ko na matutong magmahal at umibig sa kahit na sino mang kapwa mo tao, Kristiyano man o hindi.

Ikatlo ay si Sir Vince na siyang tumayo bilang isang ama na nagmamahal sa kaniyang mga anak.

Isa sa mga estudyante na kanilang naging iskolar ay si Margoh na nag-aaral bilang isang pulis. Nagangarap ako na maging tulad din niya balang araw.

Ang mga aktibidad na aming ginagawa sa Pulilan, Bulacan ay napakarami katulad ng “Spider Web,” paglusong sa putikan, paglusong sa fish pond at napakarami pang mga nakatutuwang mga gawain.

Kami ng mga kapwa ko mga ALS student ay unang nag-seminar upang mahubog maging leader. Dito ko natutunan na hindi pala imposibleng magtagumpay sa kahit na ano mang mga pagsubok basta’t sama-sama ang bawat isa.

Ang Gilead ay isang lugar na napakaganda dahil ang paligid ay payapa at ang mga tao ay mababait at marunong makisama. Tinuro nila sa amin ang disiplina at kung papaano mo makikilala ang iyong sarili bilang isang tao.

Ang mga lugar na aming kinabibilangan ay may kani-kaniyang mga proyekto. Ang mga halimbawa nito ay tulad sa Tondo, ginawa nila ang T.A.T.A.Y. project na layong maipakita kung sino ba talaga ang mga kabataan ng Tondo.

Sa Paredes Street ay inilahok namin ang “self awareness” roon upang kanilang malaman kung ano ba talaga ang mga karapatan ng isang indibidwal lalo na ng isang kabataan. Kapag ito’y naumpisahan na ay magbibigay ng pondo ang KKFI upang ito ay maisakatuparan.

Inaamin ko na hindi ito ganoon kadali sapagkat sabi nga ni Sir LJ ang pagiging isang “leader” ay palaging may halong pagsasakripisyo.

Una sa aming mga adhikain kung bakit naming hinihimok ang mga kabataan na sumali sa aming mga isinasagawang mga proyekto ay ang mailapit sila sa Diyos. Oo, masasabi ko na iyon ay hindi ganoon kadaling gawin, lalo na sa ngayon na puro mga “gadget” na ang hawak-hawak ng mga kabataan at hindi libro o bibliya.

Sa paggawa namin ng aming mga kani-kaniyang mga proyekto ay natuklasan ko rin na sa ganitong mga gawain lumalabas ang sari-saring mga emosyon at kung saan ay hindi na nagkakaunawaan ang bawat isa ay nagkakaroon ng ng mga alitan. Pero sa kabilang banda ay amin itong naisasaayos at naipagkakasundo ang himutok ng magkabilang panig na may hidwaan sa bawat isa.

Sa bandang huli ay mas pinapatatag kami ng mga ganitong sitwasyon kung papaano namin paiiralin ang pagiging leader ng bawat isa. Nang dahil rin dito sa nasabing proyekto na aming isinasagawa matapos ang YLEAD ay natutuhan ko kung papaano magpakumbaba at humingi ng tulong sa iba. Higit sa lahat ay natutunan ko kung papaano ko pakalmahin ang sarili ko sa mga hindi ko inaasahang mga pangyayari.

Kaya sa ngayon, ang masasabi ko lamang ay sana maipagpatuloy pa ang YLEAD hanggang sa mga susunod pang mga henerasyon naming mga kabataan upang mas marami pang mahubog at mabago na mga kabataang tulad ko.